Almira Ierayh
What? What did he say? Tama ba ang narinig ko?
Napakurap ako habang nakatitig ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan na aayain niya ako. Siya pa talaga ang nag-aya. Matatanggap ko pa kung ako ang nag-aya pero yung siya ang nag first move? Fuck!
Inlove na ako!
"Sasama ka ba o hindi?" masungit na tanong niya. Parang kanina lang ay hindi siya makatingin sa akin habang nagtatanong tapos ngayon ang sungit na naman niya sa akin. "Sabihin mo lang kung ayaw mo para maka-alis na ako"
"Oo! Ano ka ba! Hindi lang ako prepared. Let's go, saan ba tayo kakain?" I wrapped my hand around his arm while we are walking. Sumama ang tingin niya sa akin dahil sa pagkakapulupot ng aking braso sa kaniyang braso kaya kaagad ko 'yong inalis.
Muli kaming pumasok sa shop, hindi ako nagreklamo kahit nagtataka ako dahil kakalabas lang namin dito.
"Daanan ko nalang dito ito mamaya kapag natapos kaming kumain" binilin ni Ace sa isang manggagawa ang kaniyang tricycle dito habang tinuturo ito.
Naglakad na siya palabas ng shop kaya sumunod ulit ako sa kaniya. Halos takbuhin ko na siya para lang masabayan ko siya sa paglalakad. Masyadong malalaki ang legs niya kumpara sa akin. Hindi ako nagtanong kung saan kami kakain, baka kasi sa sobrang ingay ko ay magbago ang isip niya.
I want to spend more time with him.
Hindi ako nagreklamo sa kaniya kahit naglalakd kami sa kalagitnaan ng tanghali. Kahit halos ma burn na ang aking balat kakasunod sa kaniya ay tiniis ko para lang sa kaniya, char!
Saka lang siya pumasok sa isang parang bahay ba 'yon na may malaking butas sa wall. May mga food ata doon at nagkalat sa labas ng bahay ang mga tables and chairs.
"Dito tayo kakain?" I asked while looking around me. Bago 'to sa aking paningin. Nakakakita na ako ng ganito but hindi ko alam na kainan pala 'tong mga 'to.
"Ayaw mo? P'wede ka nang umalis kapag hindi mo gusto dito" seryoso siyang nakatingin sa akin habang binibitawan ang mga salitang 'yon sa akin. Ibinalik niya ang tingin sa mga food na nasa loob ng isang glass.
"Okay nga, eh. New environment. Where can I wash my hands nalang?" sinubukan ko na hanapin ang isang sink sa paligid pero wala akong nakita kaya tumingin ako sa kaniya. Nakatitig na naman siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. "What? Did I say something wrong?"
Hangga't maaari ay sinusubukan kong maging kalmado kahit hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pa kasi ako sanay sa mga ganito, eh.
Huminga siya ng malalim habang umiiling bago lumapit sa isang babae na nasa loob ng bahay, naka apron pa si nanay. Kinausap niya si Nanay at kaagad naman binuksan ni Nanay ang pintuan ng house nila.
BINABASA MO ANG
Exposing The Pretender
Romance2 Almira Ierayh Reed. A party girl, stubborn, and wild. She didn't know where she could get the time she wanted. When Ace enters her life, a man who has a great appreciation of time. Secrets that should not be revealed suddenly come out. The truth...