Almira Ierayh
"Bakit sa tagal natin na magkasama ngayon mo lang naisip 'yan?" deretsong tanong ko. "Hindi ka naman ganiyan, ah?"
Hindi siya sumagot at huminga lang siya ng malalim. He always avoiding my stare so hindi ko mabasa kung ano ang nasa mata niya. I bit my lips dahil kung hindi ko gagawin 'to ay baka sunod-sunodin ko na siya ng tanong.
Nagsimula niyang i-tap ang kaniyang kamay sa kaniyang tuhod habang patuloy akong iniiwasan.
"Tinatanong kita, Ace" pagbabanta ko.
"W-wala. Naisip ko lang bigla" he answered.
Huminga ako ng malalim dahil parang pakiramdam ko ay hindi siya nagsasabi ng totoo. Tumayo ako habang umiiling sa kaniya. Sinundan niya ako ng tingin habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko. Nakakainis naman siyang kausapin. Hinihintay ko siyang magsalita at sabihin lahat pero parang pakiramdam ko ay may tinatago pa din siya sa akin.
"Umuwi kana lang kung wala kang sasabihin pa na iba" pumasok na ako sa aking kwarto at isasara na ang pinto nang tumayo siya at hinabol ako. He held my hand gently. Napatingin ako doon. Nagpabalik balik ang paningin ko sa kaniya at sa kamay niya na nakahwak sa akin.
"Kasi... Mira... pakiramdam ko nagkikita nalang tayo dahil may kasalanan ka sa akin" he explained. What? "Nabayadan mo na naman ako at ayos na 'yon... kaya p'wedeng hindi na ulit tayo magkita. Gagawin ko nalang yung trabaho ko sa 'yo dahil kailangan ko 'yon"
I can't process everything. Nalilit ako.
"May nagsabi sa 'yo na lumayo sa akin, tama ba, Ace?" while looking at him, I brush his hand over mine and cross my arms. "Sino?"
Mukhang nagdalawang isip siya na magsabi sa akin. I raised my brow on him para mas matakot siya sa akin. Para siyang bata na inaway ng ina sa harapan ko ngayon, he keeps avoiding my stare.
"Si Roch..." he answered. Nakakainit talaga ng dugo ang babae na 'yon. Minsan na nga lang ako lumandi may pumupigil pa. "pero ayos na, hindi na ulit ako iiwas, Mira" pagbawi niya para na din siguro maprotektahan niya si Roch.
Wala naman akong magagawa, eh. Binigyan lang naman nung babae na 'yon ng isecurity si Ace na makasama ako palagi. Ayon nga ang palagi kong gusto dahil simula nung makilala ko si Ace parang nagkaroon kahit papaano ang excitement sa buhay ko. Nag-stop na din ako maging laman ng bar kasama ang mga pinsan ko. Hindi ako makapaghintay na gumising ng maaga dahil alam kong may lalaking nagluluto ng pagkain sa akin kahit alam kong ginagawa niya 'yon para sa sarili niya.
Naglakad ulit ako sa sofa at naupo, ganoon din ang ginawa niya. Tahimik lang kami at wala nang nag-abala pang magsalita.
Binasag niya ang katahimikan nang nagsalita siya. "May matirang pagkain ka pa ba? P'wede kitang ipagluto ngayon kung naubos mo na ang dinala ko sa 'yo kanina"
BINABASA MO ANG
Exposing The Pretender
Romance2 Almira Ierayh Reed. A party girl, stubborn, and wild. She didn't know where she could get the time she wanted. When Ace enters her life, a man who has a great appreciation of time. Secrets that should not be revealed suddenly come out. The truth...