Chapter 12

12 1 5
                                    


Almira Ierayh


"Ang seryoso mo naman masyado" puna ni Nica kay Rivs pero hindi na siya pinansin ng babae at ibinigay sa ibang bagay ang atensyon.


"Sure, kapag may time siya. May trabaho kasi siya" I answered honestly. Alam naman na nila siguro na hindi nila ako mapipigilan kahit hindi sila pumayag o boto sa nanliligaw sa akin. My life, my choice.


Hindi na namin ulit pinagusapan ang tungkol sa amin ni Ace. They all just drown in alcohol while Felicity limits them. Tinulungan ko si Felicity na dalahin ang dalawang babae na halos mawalan na nang malay sa alak papunta sa sasakyan ni Kevin. Naiwan si Kevin sa loob dahil padating palang daw ang mga kaibigan niya, makikisabay nalang daw siya sa kanila. Si Felicity na ang nagmaneho sa dalawa para makauwi.


Umuwi nalang ako sa condo at pagod na humiga sa kama ko. I received a picture from Ace. Picture 'yon na pinagdalhan niya sa akin dati, so waiter naman siya ngayong gabi? Sobrang sipag naman niya, parang hindi bagay sa akin na kayang mahiga sa kama buong araw.


Hindi na ako nagmessage sa kaniyang picture dahil baka maabala ko lang siya. Kinabukasan ay maagang pumunta dito si Ace, wala siyang tulog pero pumasok pa din siya sa loob ng unit ko.


"Do you want to sleep na ba? May guest room pa ako d'yan para makapagpahinga ka na agad. Dapat kasi hindi kana lang nagluto ngayon, maiitindihan ko naman na galing ka nang trabaho" sermon ko sa kaniya sabay bigay ng baso ng tubig sa kaniya habnag nakaupo sa sofa.


"Hindi mapapalagay ang utak ko na hindi pa kumakain ang babaeng nililigawan ko"


Nag-iwas ako ng paningin sa kaniya. Bakit ba siya bumabanat ng ganoon? Natural na ba sa kaniya ang magsabi ng mga ganoon? Kailangan pala prepared ako palagi.


"Ihahatid kita"


Inirapan ko lang siya sa sinabi niya.


"No. May sasakyan ako, you should get some rest na. Mag grocery nalang tayo mamayang hapon kapag nakapagpahinga kana" kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng aking unit. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil baka magreklamo na naman siya.


Okay lang naman sa akin kung sa guest room siya matulog pero pakiramdam ko ay hindi niya 'yon gagawin. Sumakay lang ako sasasakyan ko at lumabas ng parking.


Ako ang napapagod kay Ace, eh. May pamilya siya na pinapakain kaya kailangan niyang magtrabaho, tapos mag-aaral pa siya. Gusto ko siya tulungan pero alam ko naman na hindi niya tatanggapin. Masyado mataas ang pader ni Ace na nakapaligid sa kaniya para hindi siya kaawaan. Kaya sa unang tingin mo sa kaniya ay makikita mo kaagad na malakas siya. He is a strong person physically ang mentally.


Kahit na maikling panahon ko palang siya nakilala ay masyado nang madaming nangyayari sa aming dalawa, kaya mas lalo ko siyang nakilala, pero hindi sapat 'yon para malaman ko ang lahat sa kaniya. I am happy when I learn something new about him.


Alam kong maraming tao ang nakakakilala sa kaniya pero pipilitin ko na humabol. Kahit si Roch pa 'yan, lalagpasan ko 'yon.

Exposing The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon