Chapter 9

17 1 2
                                    



Almira Ierayh


"What the fuck? Ang manyak mo, Ace. Akala ko pa naman matino ka" sigaw ko.


Narinig ko ang pagtawa niya. Tumayo siya at pumunta sa sink para kumuha ng mug na mga nalasabit doon at nagtimpla ng kape sa dining.


"Matino ako. Baka ikaw hindi" ngumisi siya at ibinaba ang paningin sa ginagawa niyang kape. Hindi ko alam ang mga sinasabi niya. Nakita ko na may kinuha siya sa kaniyang bulsa at ipinatong 'yon sa lamesa. It's my key na hinahanap ko kanina sa bag ko.


"Bakit nasa iyo 'to?" kinuha ko kaagad 'yon at tinitigan siya ng masama.


"Nakita kita sa labas ng bar kagabi. Para kang basang sisiw doon kaya ako ang nag-uwi sa 'yo dito. Ang hirap mo bantayan kapag naka-inom ka. Pinipilit mo pa ako na makipag-ano sa 'yo. Ngayon, sino ang manyak sa ating dalawa?" paghahamon niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, nahiya ako dahil kahit sabihin ko sa sarili ko na hindi ako 'yon ay hindi niloko ko lang ang sarili ko. Iba ako kapag nalalasing.


"Hindi ako 'yon" nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Narinig ko ang pagtawa niya pero hindi ko nalang pinansin. Bumalik ako sa loob ng kwarto ko para kuhanin ang bag ko at dinala na 'yon palabas. "So, wala naman nangyari sa atin, 'di ba?" paninigurado ko at naupo sa harapan niya.


"Wala" maikling sagot niya.


"Tama. Kapag naging tayo nalang, t'saka natin gawin" sagot ko at tumawa para asarin sana siya pero wala manlang nag-bago sa mukha niya.


"Kapag kinasal..." sagot niya. What? Did he just agree on me? Kahit hindi direct ang sagot niya ay parang ganoon din ang sinabi niya. "... ako. Kapag kinasal ako"


Umirap kaagad ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung nang-aasar din ba siya sa akin. Pakiramdam ko naman alam na niya na gusto ko siya. Bakit siya? Hindi ba siya magpaparamdam sa akin?


Kumain lang kami at hindi ko alam kung bakit niya naisip na ihahatid daw niya ako. Wala pa din naman ako sa mood na magmaneho kaya pumayag nalang din ako. Dagdag oras na din na kasama siya.


Bumaba na kami ng building at sumakay na siya sa tricycle na dala niya. Hindi ako pumasok sa loob at sa likuran niya ako umupo. Hindi ako p'wedeng sumakay sa kung paano siya sumakay dahil skirt ang uniform ko kaya naupo nalang ako sideways.


"Uhm... saan ako p'wedeng kumapit dito?" tanong ko sa kaniya.


"Bakit hindi kapa sa loob? Mas madaling maupo doon" he suggested but hindi ko siya pinansin at humawak nalang sa bakal na nakita ko.


"Maghanap ka nalang ng p'wedeng sumakay sa loob, madami akong nakikita sa daan na sa school ko din pumapasok. Para may kita ka din" I suggested too.


"Yakap" biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.


"Ano? You need my hugs? Ikaw Ace, ha! Sige na nga" kaagad akong yumakap sa kaniya mula sa likod.

Exposing The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon