Chapter Eight

185 8 0
                                    


NAPAUNGOL si Sasha nang maramdaman ang pagsakit ng puson niya. Isa iyon sa mga pinaka-ayaw niyang araw sa bawat pagpapalit ng buwan. Ang first day ng period niya ang pinaka-worst days sa lahat. Matindi ang cramps na nararamdaman niya na halos gusto niya bumaluktot sa sakit.

Kakainom niya lang ng gamot kaya panigurado na mamaya pa ang epekto niyon. Mabuti na lang talaga at mamaya pang hapon ang pasok niya kaya kahit buong umaga na iyon ay mamilipit siya ay ayos lang. Wala naman siya balak mag-absent dahil malapit na nga ang graduation nila ay hindi pa siya papasok.

Nang marinig niya ang  pagtunog ng doorbell, kung ganoon ay may bisita siya. Wala ang Mommy niya dahil kinuha ito ng Tito niya kahapon. Kaya mag-isa lang siya sa bahay ngayon. Susuray-suray na naglakad siya patungo sa pinto. Hindi alintana ang itsura kahit hindi pa siya nagsusuklay, naghihilamos at nagsesepilyo. Wala siyang pakialam sa itsura niya.

Alas-otso pa lang naman nang umaga kaya ayos lang iyon. Kung sinuman ang bisita niya ay siguraduhin lang nito na may maganda itong dahilan sa pagpunta sa kanya.

Napahikbi siya nang sumakit na naman ang puson niya. Napahawak siya sa puson bago binuksan ang pinto. Hindi na siya nag-abala silipin sa peephole kung sinuman ang tao na iyon.

"Sasha, are you okay?" bungad ni Daniel sa kanya.

Nang makita nito ang mukha niya ay bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. Nakasubangot kasi na hinarap niya ito. Ang gulo-gulo pa ng buhok niya. Mukha siyang hindi naligo nang isang linggo. Sa totoo niyan ay hindi siya naligo ng araw na iyon dahil ayaw niya tumayo. Gusto lang niya humiga maghapin sa sama ng pakiramdam niya.

"What happen to you?"

"Daniel, hindi mo na ko papasok sa bar mamaya." She mumbled.

Nakagat niya ang ibabang labi ng sumakit na naman ang puson niya. Humikbi siya. This is too much. Ayaw na niya maging babae. Madalas na lang ganito kapag mayroon siya.

"Are you okay?" lalong nadagdagan ng pag-aalala ang mukha nito nang suyurin ang kabuuan niya.

Umiling siya. She will never be okay as this cramp is almost killing her slowly.

"Sasha..."

Humugot siya nang malalim na hininga bago tinignan ito.
"I-I'm sorry, hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon. Puwede ba na sa ibang araw na lang. Sobrang sama ng pakiramdam ko." pakiusap niya.

"I'll bring you to the hospital." alok nito.

Umiling ulit siya. "Hindi naman malala. Normal 'to sa akin."

He sighed. Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. Pinangko siya ng binata at mabining hinalikan ang noo niya.

"Where's your room?" masuyong tanong nito.

Tinuro na lang niya kung saan ang kuwarto niya. Siniksik niya ang sarili sa dibdib nito. Ramdam na ramdam tuloy niya ang init na nagmumula kay Daniel. She felt his comfortable warmth. Napahawak siya sa uniform nito nang umatake na naman ang puson niya. Nawalan na siya ng lakas paalisin ito. Mas okay siguro kung may kasama siya.

"Nasaan ang mommy mo?"

"Nasa Batangas siya ngayon."

Saglit na tumahimik ito.

"Wala kong kasama ngayon..." pabulong na sagot niya.

"You want me to stay?" alok nito.

Nagmulat siya ng mga mata. "Puwede ba? Paano ang mommy mo? Mas kailangan ka niya."

"Bumalik na siya sa Catanduanes kaninang madaling araw." Sagot nito.

Binaba siya ni Daniel sa kama.
"You will miss her? Sana maging okay na ang mommy mo. I prayed for her peace of mind." Halos pabulong na sabi niya.

Nasty SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon