Chapter Seventeen

160 10 0
                                    

UMUWE agad si Sasha sa kanila pagkatapos ng klase para maiwasan si Daniel. Hindi niya kayang kausapin pa ito. Pagkatapos nang mga nalaman niya. Mas nasasaktan siya dahil mahal niya. Pagkarating niya ay natigilan siya. Nilalabas ang lahat ng mga gamit nila! Patakbo na lumapit siya sa ina na halos nakikiusap na huwag galawin ang mga gamit nila. Nabitawan niya ang mga hawak at nilapitan ang mga nagbubuhat ng gamit nila palabas.

"Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit n'yo nilalabas ang mga gamit namin?"

"Pasensiya na, Ma'am pero utos lang po." Ani ng isa na tumingin sa kanya.

"Sir, hindi ba't may isang taon kaming kontrata dito." Tinignan niya ang papel na inabot nito.

"Pasensiya na, Sasha. Pero caretaker lang ako." Ani Mang Tomas sa kanya.

Napamaang siya nang mabasa kung para saan iyon. Pinalalayas na sila sa bahay na iyon. Nakuyom niya ang papel. Utos marahil ni Greg iyon dahil ito ang nagbabayad ng renta nila doon.

"Huwag ninyo galawin ang mga gamit namin. Please naman..." Nilapitan niya ang ina na tila matutumba.

"Ma!" Bago pa niya masalo ito ay may mga kamay na humawak sa ina. Natigilan siya nang makita na inalalayan ni Daniel ang ina.

Tumigas ang anyo niya. "Bakit nandito ka?"

"What happen?"

Nag-iwas siya ng tingin at kinuha ang ina. "Wala kang pakialam. Umalis ka na."

"Sasha..." Her mother sob. Tila pagod na pagod ito.

"Ma..." naluha siya nang makita ang kamiserablehan sa mukha nito.

Tumingin si Daniel sa mga taong naglalabas ng gamit nila. Bago bumalik ang tingin sa kanya.

Inalalayan ni Daniel ang ina nang muntikan na itong matumba na naman.
"Let's go, Sasha. Your mother need to rest."

Matagal na tumingin siya sa lalaki. Iniisip kung sasama siya o hindi pero wala siyang pamimilian. Wala silang mapupuntahan mag-ina. Ayaw sana niya magkaroon ng utang na loob kay Daniel.

She sighed and looked at her mother. Kailangan na nga nito magpahinga. Tumango siya at sumama na.

"I will get a movers to get all your things." Ani Daniel sa kanya nang tinulungan siya ipasok ang ina sa loob ng sasakyan.

Niyakap lang niya ang ina. Hinaplos niya ang pisngi nito at naluluha. Hindi niya alam ang gagawin. Hinayaan na niya si Daniel kung saan sila dadalhin. Lulunukin muna niya ang galit at pride niya dahil kailangan niya ng tulong nito.

"Sasha, I'm sorry...anak..."

"Magiging maayos din ang lahat, Ma." Masuyong bulong niya at hinalikan ang sentido nito.

Hindi namalayan ni Sasha na dumiretso sila sa Forbes Makati.

"Daniel?"

Ang buong akala niya ay sa condo siya ng lalaki dadalhin. Ilang liko lang at nakarating na sila sa bahay ng mga ito.

"There's no one in our house here. My Mom was out of the country, next month pa balik niya. While my Dad and brother never go here." Ani Daniel nang magbusina ito para pagbuksan sila ng gate.
"You can both stay here for a while."

Nasty SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon