Chapter Eleven

159 5 0
                                    

KUMATOK si Sasha sa pinto ng kuwarto ni Daniel. She slept on his unit. Wala naman kasi talaga siyang mapuntahan na iba. Ala-siyete na nang umaga, araw ng biyernes. Nagluto na rin siya para sa kanila. Kagabi ay puro text at tawag ang ina pero hindi niya sinagot ang tawag nito. Nag-reply lang siya kung saan siya matutulog kahit nasabi naman niya bago umalis sa kanila. Tinawagan rin niya si Vivian na kapag nagtanong ito sa kanya ay sabihin na doon siya natulog sa mga ito. Sinabi na rin niya kung ano ang nangyari at kung saan siya natulog. Wala naman itong sinabi pero rinig sa boses nito na inaasar siya.

Hindi sila natulog sa isang kuwarto. Madumi lang talaga ang isip ni Vivian minsan. She and Daniel are friends. Gusto siya ni Daniel at walang problema iyon sa kanya. Guys actually like all girls as if they all loved them, right? Nang walang sumagot sa kanya ay pinihit niya ang seradura. Male-late na kasi sila kung hindi pa ito kakain. Bukas ang pinto kaya sumilip siya.

"Sasha?" Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang boses nito.

Nang nilingon niya si Daniel ay napasinghap siya. Mabilis na bumalik ang tingin siya sa harap. Half-naked ito at halatang bagong ligo.  Pero bakit hindi sa kuwarto nito ito naligo? Bakit nakabalandera ang abs niya sa paningin ko?

"Sasha?" Tila nanigas siya nang maramdaman ito sa likod niya. Nakatapis lang ng puting tuwalya ang pang-ibaba nito. Isang maling galaw ay baka malaglag iyon. Tinamaan ng magaling! Daig pa yata niya ang kamatis sa kapulahan ng mukha ngayon.

Bahagyang lumayo siya nang malanghap ang amoy nito. His scent has musky of freshness.

Umiwas siya agad ng tingin.

"What's wrong? Are you sick?" nag-aalalang puna nito sa kanya.                                                                                                                                

"Kakain na tayo."

Sinarado ni Sasha ang mga mata para hindi magkasala. She was not used to see a naked man early in the morning. Kahit nakapikit ay naglakad siya. Napa-buwesit na lang siya nang tumama ang tuhod niya sa may sofa. Medyo malakas ang pagkakabunggo niya kaya masakit. Nausog din ang upuan.

Narinig niya ang malakas na tawa ni Daniel sa likod niya. Sa asar ay nilingon niya ito.

He looked comical.

"Magbihis ka nga! Buwesit na 'to." She spat.

Bumulaga na naman tuloy sa paningin niya ang pandesal—este ang mga abs nito. He has broad shoulder and sculpted body. Mayroon naman talagang ipagmamalaki ito pero nakakailang din.

"You looked tempted with me." He sexily said.

"Ay buwang ka! Hindi naman nakakalibog ang katawan mo." She rant.

Namilog ang mga mata niya nang makitang natatanggal na ang buhol ng tuwalya sa baywang nito. Mabilis pa sa alas-kuwatro na tinakpan niya ang mga mata at napatili.

"Daniel, what the heck!"

Nanlaki lalo ang mga mata niya nang takpan ni Daniel ang bibig niya. Malay ba naman niyang may suot na boxer short sa loob niyon? Akala niya ay makakakita na siya ng dapat ay hindi niya makita. Ayaw niya madungisan ng kalaswaan ang mga birhen na mata niya. Halos mamura na ni Sasha ang sarili sa sobrang lapit ng topless na binata sa kanya. Nang tinanggal nito ang kamay sa bibig niya ay nagkatinginan sila.

"My room is soundproof but damn you scream so loud."

She blinked. May nararamdaman siya sa gilid niya.
Umakyat yata lahat ng dugo sa mukha niya. Mabilis na pumalag siya pero lalong humigpit ang kapit nito sa kanya.

Nasty SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon