Chapter One

1.7K 33 0
                                    


KASALUKUYANG nasa tennis court sina Daniel at ang pinsan niyang si Andy nang mapansin niya ang tinitignan nito. Nakamasid ito sa dalaga na mabagal na naglalakad at may kipkip pang libro. Nakaupo sila sa bleachers at nagpapahinga. Mamaya ay sasabag ulit sila sa paglalaro. Napangiwi siya habang pinapasadahan ng tingin ulo hanggang paa ang babaeng pinagmamasdan nito. She was none other than, Sasha Cruz--- the Miss Goody Two shoes of the school. One of the weirdest girl in the university. Kaklase niya ito sa halos lahat ng subjects at isang lang ang masasabi niya tungkol dito. Hindi lang ang pananamit at itsura nito ang weird kundi yata ang buong pagkatao nito. Nasa huling taon na sila sa kolehiyo sa kursong BusAd at ang pinsan sa kurso nitong PolSci.                                                                                                          
“Don’t tell me you are looking at Cruz?” amuse na tanong niya.                   

Hindi siya inimik nito. Bumalik na lang tuloy ang tingin niya sa dalaga. Nitong mga nakaraan ay napansin na niya ang mga hindi niya maipaliwanag na tingin ng pinsan rito. Pansin niya iyon kapag magkasama sila. Iniisip na nga niyang gusto nito ang dalaga subalit hindi ito ang tipo ni Andy. Too far to Andy's type.

“Why don’t you make friend with her?” imbes na tanong nito.

He amusedly stared at him.
                                                                                               
“I don’t make friends with women.” napailing pang sagot niya.
                                                                           
Nang bumalik ang tingin niya sa pinsan ay napansin niya ang interes ng mga mata nito sa dalaga. Andy Lagdameo known as campus heartbreaker. Kahit ganoon ang reputasyon nito ay hindi pa rin ito tinatantanan ng mga babaeng nagpapapansin rito. Well, they had the power and money to work for them. Kilala ang pamilya nila bilang angkan ng politiko. Nasa politiko ang parehong angkan ng pamilya niya, ang sa ama ay sa Naga at ang ina ay sa Catanduanes. Mula sa great-grandfather pa nila.

Tumungga muna siya sa bottle water niya.
“I think that’s not a good idea, Andy. He doesn’t know how to play your games. Itataga ko sa bato na walang thrill at excitement kang mararanasan kapag kasama mo siya. Parang poste na dinamitan mo lang ng palda.”           

May pagbabanta ang tingin na binigay nito sa kanya kaya tinaas na lang niya ang mga kamay. It that is the case, Andy is serious. Hindi siya makapaniwala na magkakagusto ito sa dalaga. Baka gusto lang nito maglaro pero base sa tingin nito mukhang hindi ganoon ang gusto nito.

Bumalik ang tingin nila sa babae na umupo sa kabilang bleachers sapat para makita sa puwesto nila. Kasalukuyang binubuklat ang kung anuman na binabasa nito. There something in her makes him curious as hell too. Gusto tuloy niya malaman kung bakit gusto ito ng pinsan.

"May gusto ka talaga sa kanya?” hindi makapaniwalang bulalas niya.                                                                                                         
Napansin niya ang paglapad ng ngiti sa labi nito. Itinikom niya ang bibig at nanahimik na lamang. Sa dami ng naghahabol at nagkakagusto sa pinsan niya ay hindi niya akalain na magkakagusto ito sa ganoong tipo ng babae. Marami itong naging girlfriend kaya nagtataka siya kung bakit nagustuhan nito ang dalaga. She was not that bad at all but she was far different from their type.

Napabuntong-hininga ito at sinalubong ang tingin niya. “Kung papayag ka, ibibigay ko sa’yo ang kotse ko.” untag nito kapagkuwan.                                                                                                                                                                                                                   
Natigilan siya. Tama ba ang pagkakarinig niya?                                                                       

Nasty SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon