Chapter Three

297 9 0
                                    

NAMUMULA sa sobrang inis ang mukha ni Sasha. Kahit labag sa loob niya ay sumama siya sa walanghiyang Daniel na ito. Ang lakas ng loob i-blackmail siya. Pero gusto niya malaman paano nito malaman ang tungkol sa bagay na iyon. Isa iyon sa pinakatatago niyang sekreto. Ang hindi malaman ng mama niya ang tungkol sa pagbabanda niya.

She sighed heavily. "Paano mo nalaman?"

Pinagsalikop pa nito ang mga kamay sa ibabaw ng table. "Well I have my ways. I get you investigated."

Nanlaki ang mga mata niya. "Excuse me?"

Nagkibit-balikat ito. "According to my source, your brother died on a bar riot. Your mom lost a son because of it and you hid your identity in the bar. You join your brother band and build it again. So I therefore  conclude, hindi alam ng mama mo."

Nagtaas-baba ang dibdib niya sa inis. "Sino ka para panghimasukan ang buhay ko."

"I get what I want, Sasha. I want you to be my friend so I can have you." Malaki ang kumpeyansa na sabi nito.

Hindi makapaniwala na tinignan niya ito. "Anong tingin mo sa akin? Bagay? Hindi por que alam mo ang sekreto ko matatakot mo na ko."

"How about your mom?"

Nanliit na ang mga mata niya.

Tumayo ito at dumukwang sa kanya mula sa table. Lumapit ang mukha nito sa kanya sapat para marinig niya ang sasabihin nito. "Does it not bothered you?"

She stiffened. Pakiramdam niya ay may alam pa itong iba. "A-ano pang alam mo?" Halos pabulong na sabi niya.

"She's the mistress of Governor Jacinto in Batangas."  Halos kapusan siya ng hangin sa sinabi nito. Gusto niya sampalin ito pero alam niya na sa oras na gawin iyon ay baka magalit ito. Hindi niya ipapahamak ang nanay niya. Instead...

"She is not a mistress, Robredo. Hindi na nagsasama si Sir Greg at ang asawa niya."

"But they don't annulled, Sasha. They are still married so your mom is a mistress." Mahinang sabi ni Daniel sa kanya.

She gulped and control herself to shed a tears. Nakagat din niya ang ibabang labi. Alam niyang hindi perpekto ang pamilya niya. Pero sino ito para sabihan ng ganoong ang nanay niya. Mahal ng mama niya si Sir Greg at ganoon din ito sa mama niya. Mali siguro ang sitwasyon ng mga ito pero mahal nito ang isa't-isa. Isa pa gusto niya maging masaya ulit ang mama niya. Kaya hindi na siya tumutol mula kasi nang mawala ang kapatid ay halos nawalan na ito ng gana mabuhay. Ngayon, si Sir Greg ang nagbibigay ng lakas rito.

And if they love each other, sino siya para tumutol?

"Bastard." Wala sa loob na naiusal niya.

"I have been called worst than that, Sasha. Sanay na ko pero..." He trailed off and shrugged his shoulders. "Anyway, your secrets are safe as long as you're good to me."

"I hate you!" she muttered and closed her fist under the table. Kung hindi lang siya takot na baka ipagkalat nito ang nalaman sa kanya ay baka kanina pa niya sinaktan ito. She wants to punch him right at his face.

Ngumiti lang ito sa kanya. Samantalang hindi niya tinatantanan ito ng masamang tingin. Kung bubulagta nga lang ito ngayon ay baka nangyari na.

"And one more thing, ipasok mo ko sa banda n'yo."

"No way!" She hissed.

Nagkibit-balikat ito. "Okay, I'll have my ways again."

Hindi na niya napigilan at naihampas ang kamay sa table. Napatayo siya sa sobrang inis. Mukhang hindi ito nagulat sa reaksyon niya. Sumandal lang ito sa upuan at tinignan siya. 

Nasty SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon