[A/N: Dedicated to yella24 because she advised me of my boy problems wahahaha! Thanks! ]
1) Gusto ko walang kulay ang buhok nya, plain black lang...
Yan ang unang nakalista sa papel na naiwan ni Rhia kanina sa Lunch table. Paulit ulit ko syang binabasa. Hanggang sa-
"Pare ano yan?" tanong ni Trevor na biglang sumulpot sa likod ko.
"Ha!? ah eh ano..." nauutal kong sinabi habang tinutupi ko yung papel at isinilid sa aking bulsa. "Haha, wala lang love letter lang, may nagbigay kasi sa akin ehh... haha."
"Huh? Love letter?" tanong ni Trevor. "Galing naman kanino?"
Amfft... bat ba ang dami nyang tanong?
"Ah.. haha hindi ko kilala eh walang pangalan." sabi ko.
"Huh? Nakareceive ng love letter ang Lucas natin?!" sabi ni Gina ng biglang sumulpot naman sa tabi ko. Asar, lalaki lang itong kasinungalingan kong ito.
"Bakit, naiintriga ka?" tanong ni Trevor kay Gina.
"Hmm? Wala lang... akala ko kasi ano eh..." malabong sambit ni Gina habang bigla syang nagcross-arms.
"Haaa?" nagtataka kong tanong.
"Wala..." sabi nya tapos tumingin sya sa ibang direksyon.
"Ah. Gina may salamin ka ba jan?" tanong ko sa kanya.
"Salamin, ah oo. Wait lang..." sabi nya sabay kuha sya ng salamin sa bag nya at binigay sa akin.Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin... lalo na ang buhok ko.
"Anung ginagawa mo?" tanong ni Trevor.
"Hmm... Anu bang kulay ng buhok ko?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ha? Dark Brown, hindi mo alam?" sarcastic na tanong ni Gina.
"Agghhh!" nainis ako, brown ang buhok ko, hindi itim! Aissh! "Sigurado ka? Baka nacocolor blind ka lang!"
"Ha? Ikaw ata ang color blind dito! (>.<) Brown nga ang buhok mo! Aissh... nakakainggit ka nga eh, natural na may kulay ang buhok mo, ako kailangan ko pang magpakulay at magpahighlights para lang malabrown." sabi ni Gina.
"Bawal yan!" sabi ni Trevor.
"Eto naman oh... Mr. President! Magkaibigan naman tayo! (>.<) Satin satin na lang to!" sabi ni Gina kay Trevor.
"Hmm... Trevor anong kulay ng buhok mo?" tanong ko.
"Ha? Itatanong mo pa ba yan? Hindi naman ako nagpapakulay eh... natural na itim yan. Hindi katulad nung iba jan..." tumingin si Trevor kay Gina, ngumiti lang naman si Gina. "Bawal nga ang may kulay ang buhok eh!" pinagsabihan nya si Gina.
"Ehhh! Andaya naman eh! (>.<) Bakit si Lucas may kulay ang buhok!" sabi ni Gina, ayun... napasama pa nga ako sa away...
"Natural yun! Natural yan diba Lucas?" tanong ni Trevor sa akin.
"Hah? Ah oo..." sabi ko. At ayun nagaway silang dalawa hanggang sa napansin kong may kulang sa amin... "T-teka asan nga pala si Rhia?" tanong ko.
"Ah, may pinapagawa yung teacher sa kanya." sabi ni Gina.
"Ah... uh, g-galit ba yun sa akin?" tanong ko.
"Huh?" sabay nilang pagtataka. Mukhang hindi rin nila alam...
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Ten Ways To Her Heart (A Short Story)
Fiksi RemajaLucas Nash is a senior student in high school and ever since elementary he has been hiding his feelings for his best friend, Rhia. Every time he wants to confess his feelings, it always ends up being unsaid because of the many things that hinder him...