"9 na Taon at sa Darating pa"

22 0 0
                                    


9 na ang oras kagabi,

Ako'y di mapakali sa isang tabi,

Tahimik na ang aking katabi,

Kaya naisipan magsulat sa hating-gabi.



9 na taon na ang nakakaraan,

"OO" ay aking binitawan,

Puso'y sumisigaw sa kagalakan,

Pagkat ikaw ang makakasama sa walang hanggan.



9 na taon na ang nakalipas,

Ang oras ay kabilis kumaripas,

Pag ibig ko sayo'y walang kupas,

Kahit walang kasiguruhan ang bukas.



9 na taon ay di perpekto tulad ng iba,

Ugali man nati'y talagang magkaiba,

Ngunit mahal, kailanma'y di mangangamba,

Pagkat sa Diyos tayo sumumpa na wala ng iba.



9 na taon na di puro tamis ang buhay at minsa'y salat,

Ngunit kay bathala ako'y nagpapasalamat,

Pagkat ikaw ang pinili higit sa lahat,

Ang aking makikita sa bawat pagmulat.



9 na taon man ay ibalik ulit sa nakaraan,

Kung ng diyos tayo'y pagbibigyan,

Wag magalala,ikaw lang ulit ang pakakasalan,

Sana mahal, ako ulit ang iyong pipiliin na ligawan at hagkan.



9 na taon na at ang oras ay kaybilis na kumakaripas,

Mga araw man ay kaydaling lumipas,

Pangako tayo parin, PEKSMAN! walang kupas!

Hanggang sa huling hininga "mahal kita"ang huling ibibigkas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Mga Tula Ni MISTERCEETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon