***
magulang lagi'y sinusunod,
kahit na ito'y aking kinalulungkot,
ako'y pipi di makasagot,
takot sa kanila'y sakin bumabalot.Lahat ng galaw napupuna,
Minsa'y pagmali minumura,
Laging tama si ama't ina,
kahit minsa'y 'di ko na masikmura.Sila'y hindi ko maintindihan,
lagi ako ang may kasalanan,
'di man lang ako mangatwiran,
dahil tiyak ako'y mapapagalitan!Si Ama ang HARI ng tahanan,
Kaya kilos dapat dahan-dahan,
Sumagot huwag kong susubukan,
baka ako masampal ng kabilaan!si INA naman ang QUEEN,
kaya wag syang bibiguin,
baka ilong ko'y biglang duguin,
at pati buhok ko'y kanyang uubusin!dapat PRINSESA akong tatawagin,
pagkat ako'y anak na masunurin,
ngunit Rankless ako kung tratuhin,
Sampit ako kung ituring.Pasasalamat ko'y abot langit,
kahit na sila'y laging nagagalit,
dahil inalagaan ako mula ako'y paslit,
at ngayon ay lumaki akong maganda't mabait.~~~
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula Ni MISTERCEE
Thơ ca╭──────༺♡༻──────╮ 𝚃𝚞𝚕𝚊/𝚙𝚘𝚎𝚖 𝚌𝚘𝚕𝚕𝚎𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗 :) 𝚠𝚛𝚒𝚝𝚎𝚗 𝚋𝚢 : 𝙼𝚒𝚜𝚝𝚎𝚛𝚌𝚎𝚎 ╰──────༺♡༻──────╯