***
Sila ay di lamang ilaw kundi pati haligi ng tahanan,
laging inuuna ang ating kapakanan,
kahit na sila'y minsan ay nahihirapan,
pagmamahal nila'y walang pinipiling dahilan.ano nga ba ang kanilang tungkulin?
araw-araw tayo'y pakakainin?
ipaglaba,ipagluto , ipaglinis at palakihin na tila alipin,tayo?
bilang anak ano nga ba ang ating tungkulin?naitanong mo ba sa iyong sarili?
sinabi mo bang "ilove you?" kailan ang huli?
ang buhay minsa'y maikli,
baka iyo na lamang kantahin ang "sana maulit muli".itong tula ay para sa aking nanay,
salamat at ako'y iyong binigyang buhay,
kahit na minsan ako'y pasaway,
ika'y laging andyan para umalalay.ako'y iyong hinintay ng siyam na buwan,
iningatan sa iyong sinapupunan,
lahat ng bagay iyong inilaan,
maging ligtas lang ako sa kapahamakan.noo'y di ko maintindihan,
bakit ako ang laging napapagalitan?
sasabay pa sa kanta na wari'y nasassaktan,
"ako ang nakikita,ako ang nasisi ako lagi ang may kasalanan?"ngayon, akin na pong naiintindihan,
lahat ng hirap at saya na iyong pinagdaanan,
may anak na rin po ako na aking aalagaan,
pangako, iyong mga pangaral lagi kong tatandaan.sabi mo:
Sayo aking anak na pinakamamahal,
Lumaki ka sanang mabait at may dangal,
May takot sa diyos at maging mapagmahal,
at huwag tutulad kay hudas na hangal.Maging masipag,mapangkumbaba at tapat,
ito ang sikreto ng Buhay sa pag-unlad,
Maging mapagbigay pagkat ito'y nararapat,
at maging magandang halimbawa sa lahat.Payo ni Inay sana iyong sundin,
Ito ang mga aral na aking mabibilin,
Gagabay sayo saan ka man ng kapalaran dadalhin,
kasama ang Diyos na nagmamahal sa atin.ito'y lagi aking babaunin,
di kailan ma'y lilimutin,
ipapasa sa aking anak at magiging habilin,
at tulad mo inay, iingatan sila at mamahalin.aking Ina salamat po sa Lahat,
alam ko po ang "I LOVE YOU" ay di sapat,
inay,mommy, mama, HAPPY MOTHER'S DAY po ,
bati ko sa lahat,SALUDO po ako sa inyo pagkat isa po kayong ALAMAT!~~~
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula Ni MISTERCEE
Poetry╭──────༺♡༻──────╮ 𝚃𝚞𝚕𝚊/𝚙𝚘𝚎𝚖 𝚌𝚘𝚕𝚕𝚎𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗 :) 𝚠𝚛𝚒𝚝𝚎𝚗 𝚋𝚢 : 𝙼𝚒𝚜𝚝𝚎𝚛𝚌𝚎𝚎 ╰──────༺♡༻──────╯