𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚-𝐤𝐚𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐨 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚-𝐈𝐛𝐢𝐠𝐚𝐧?

29 1 0
                                    

***

Ako noo'y talagang nalulumbay,
dahil napakaboring nitong aking buhay,
lagi lang sa tabi't nakatambay,
ng ika'y dumating biglang nagkakulay.

Tayo'y nagkakilala,
sa panahong di ko na maalala,
marami na tayong masayang alaala,
na kailan ma'y di ko nais mawala.

Di ko man hiniling,
ngunit ika'y dumating,
ako sayo'y biglang nahumaling,
sa iyong kakaibang lambing.

ika'y matalik kong kaibigan,
ang isa't isa lagi ang takbuhan,
sa iyak,tawa at kalokohan,
tayo lagi ang nagdadamayan.

salamat sa Diyos ako binniyayaan,
ng walang kapantay na kayamanan,
isang kaibigang maaasahan,
nandyan sa oras ng pangangailangan.

sa isa't isa'y lubos na nagtitiwala,
"Tayo'y magbestfriend" lagi mong pinapaalala,
ngunit ako ngayon ay nababahala,
pagka't itong puso ko sayo'y nagkasala.

isang araw ni Kupido ako'y pinana,
Dahilan upang ako'y manghina,
ako'y umibig sayo aking twina,
malay mo baka tayo ang tinadhana.

Ngiti mong nakakaakit,
Ugali mong napakabait,
sana iyong mabatid,
turing ko sayo'y di lang kapatd.

"MAHAL KITA" sigaw ng damdamin,
Ngunit sayo'y di ko maamin,
Kailan mo kaya ito mapapansin?
Ibubulong ko na lang ba sa hangin?

Kung isang araw ika'y magising,
at ako'y minamahal mo rin,
huwag mahiya at agad na aminin,
aking isasagot "IKA'Y MAHAL KO RIN".

Kung ito'y walang kahahantungan,
damdamin ko'y pilit kong pipigilan,
di magtatampo sayo aking kaibigan,
Pilit lilimutin itong pag-ibig na di makatarungan.

Kung di man mauwi sa "PAGKAKA-I-BIGAN",
tayo parin ay matalik na magkaibigan,
magkakampi sa ano mang laban,
pangakong kailanma'y di ka iiwan.

ako'y nasasaktan, aking inaamin,
ang hirap ikubli nitong aking damdamin,
lalo pa't sa puso mo'y may iba ng umangkin,
at di ko na pwedeng sabihin na "AKO'Y SAYO AT IKA'Y AKIN LAMANG".

Dapat ko ba sa kanya'y aminin?
na sa kanya'y may lihim na pagtingin,?
o pilit na lamang lilimutin?,
at sana'y di nya malaman itong aking lihim.

~~~

Ang Mga Tula Ni MISTERCEETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon