𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐍𝐚𝐧𝐚𝐲

167 0 0
                                    

***

Tayo'y binigyan ng matinding pagsubok,
Pamumuhay nati'y nagbago sa isang suntok,
Tayo ngayo'y nakabaluktot sa isang sulok,
Maling hakbang, buhay maaring mawala na parang usok.

Ang iyong boses na malumanay,
Sa buhay ko'y nagbigay kulay,
Ang pangamba'y napawi sa pagbukang liwayway,
Dahil sa iyo INA na nagbigay sa akin ng buhay.

Kahit gaano pa kabagsik si COVID-19,
di nito mapipigil ang nais kong sambitin,
Kahit itong tula ay di maaring sukatin,
Ng bagsik at laki ng pagmamahal mo sa amin.

Sa likod ng matatapang na mga FRONTLINERS,
Mga walang takot na sundalo,doktor,guro,nurses  o reporters,
Mapa-politician, technician, beautician, magician o kahit gangsters,
Ay isang MONSTER-LOVING-CARING-MOTHER!

ika ni INAY "WALANG COVID-COVID! "
Para sa anak na sa gutom ay namimilipit,
Kaya siya'y wag bibiruin o maliliitin,
Iaalay nya ang kanyang buhay para anak ay may makain.

Kapag ang anak ay nagkakasakit,
Si nanay uupo, luluhod at pipikit,
Luha'y papatak at magdarasal saglit,
Hinihiling na ang sakit sa kanya na lamang didikit.

Lahat ng sakripisyo nya'y katangi-tangi,
Paghihirap niya'y walang makakagapi,
Kadakilaan nya'y di dapat ikubli,
Pangarap nya'y anak ay mapabuti.

Di sapat ang aking tinta,
O ang mabulaklak na mga salita,
Upang sa iyo INAY ipakita,
Ang aking buong pusong pasasalamat.

Nais kong "SUMALUDO"  at magbigay pugay,
Sa mga momshie, mommy, nana,  inay,  mama at nanay,
Salamat sa pagmamahal at pag aagapay, Kayo ay di lamang
"ilaw ng tahanan" kundi "BAYANI" ng aming Buhay!Happy Mother's day po!

~~~

Ang Mga Tula Ni MISTERCEETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon