Chapter 5

137 12 0
                                    

Taelyn Pov .

Sa paglilibang namin ni Jenie sa mall aksidente kong nakita ang pinsan kong si Hyung shik kaya nakipagkwentuhan pa ako sa kanya .

" Insan wala parin pinagbago ang ganda mo parin " sabi niya .

" Haha . Ikaw rin naman e ' akalain mo ung dati mong katawan na payat e naging macho na " pagbibiro ko .

" Haha glow up tawag dito . Teka andito ba kayo para kumain ? " sabi niya .

" Ay hindi bibilhan ko lang ung asawa ko ng meryenda niya " sabi ko .

Nag usap lang kami , naipakilala ko din si Jenie sakanya na akala mo na love at first sight nanaman . Nakalimutan ata si Eunwoo e . Maharot  .

Pagkatapos naming bumili agad kaming pumunta sa company kung saan nagtratrabaho si Kookie .

Todo bati ang mga empleyado sakin dahil alam nilang ako ang mapapangasawa ng boss nila .

Masaya akong bitbit ang dala kong pasalubong sakanya kasama si Jenie .

" Naku besh pag malaman ko lang na nambabae nga yang si kuya ako mismo, ako mismo ang papatay sakanya kahit kapatid ko pa at kakambal ko siya " gigil niya . Natawa naman ako .

"Hindi magagawa ng kuya mo iyon sakin at alam kong ako lang ang mahal niya ." sabi ko kasabay ng pagtunog ng elevator .

Gulat pa ako ng makasabanggaan ko si Jimin na gulat na gulat ng makita ako .

" T-tae? " sabi niya ng pautal .

" O' Jimin ? Bakit namumutla ka? Andyan ba si kuya? " tanong ni Jenie sakanya .

" A-ahm ano " 

" Naku! Tara na Taehyung , mukhang taeng tae na si Jimin sa itsura niya " sabi nito at hinatak ako . Ngunit agad humarang si Jimin sa pintuan ng opisina ni Kookie .

" Bakit? " tanong ko .

" Ano kasi -" sabi niya na hindi matuloy .

Tinulak siya ni Jenie saka hinawakan ang door knob. " Ano ba at , Kuya?! W-what are you doing!!? "

Nanlaki ang mata ko ng makita kong may babaeng nakakandong sakanya at hubad na ang itaas nito samantalang siya naman ay nakabukas na ang polo na suot .

" T-Taehyung? " banggit niya sa pangalan ko . Tinulak niya ang babae saka tumayo .

Napapigil ako ng pag iyak dahil sa nakita ko .  " L-love let-" lumapit ito sakin at binigyan siya ng malutong na sampal .

Agad na lumapit sakanya ang babaeng kinakalantaran niya at inis na tumingin sakin . " What are you doing? Are you crazy? " inis niya .

Napatawa ako ng mapait saka tinignan siya ng masama . " Siya naba iyon jungkook? "

Napatangin si kookie sakin ng masama ng banggitin ko ang buong pangalan niya .

" Why did you say? " bakas sakanya ang inis .

" Jungkook . " pag uulit ko . " Siya naba ung babaeng nakapagpabago sa takbo ng relasyon natin? " garalgal ko .

Bigla naman nagsalitang muli ung babaeng kinakalantaran niya na kulang nalang pwede ng ipanlako sa mga arabong nagpupunta sa mga bar .

" Bakit? Ikaw huh? May lalaki ka naman din ah ? You dating someone " pagdidiin niya .

Napatawa naman ako at pinunasan ang luhang nasa mata ko . " May ebidensya? "

May pinakita siyang picture sakin at kita kong ako nga kasama ang isang lalaki .

Dinampot ko ung selpon na hawak niya at inapakan .

" Tae ikaw ang unang nagloko " sabi ni gguk habang nakatitig sakin .

" Your so stupid kuya " sabi ni Jenie na bakas ang inis sa pagmumukha .

Napatingin ako ng deritso at dumial sa selpon ko para tawagan ang taong pinaghihinalaan nila . Pinakita ko kung paano ko tawagan ito hanggang sa sumagot .

" Hello insan bakit? " sabi ni Hyung shik sa linya at rinig nila ito dahil sinadya kong i-loud speak .

Dahan -dahan bumagsak ang luha ko sa aking mata na parang walang bukas . Bakas sakanilang dalawa ang pagkabigla .

Lalapit sana siya sakin ngunit agad ko siyang pinigilan . " Huwag munang tangkaing lumapit pa sakin jungkook " garalgal ko .

Lumuhod ito sa harapan ko habang nakayuko at ramdam kong pati narin siya ay umiiyak .

" L-love p-please pag usapan natin to " sabi niya habang nakaluhod .

Hindi ko na napigilang maiyak ng todo dahil sa sakit na nararamdaman ko .

" Pinagkatiwalaan kita jungkook . Buong buo ang tiwala na binigay ko sayo para makapanteng hindi ka gagawa ng bagay na ikasisira natin " garalgal ko .

" L-love let me first explain " aktong lalapitan niya ako ng suminyas ako na huwag .

" Huwag kang lalapit! " sigaw ko . " Ano pang eexplain mo?Ang pag uwi mo sa bahay ng lasing ? Na may lipstick sa damit? Ano pa? Ang mag amoy babae? sabi ko at patuloy ang pagluha . " At higit sa lahat ang paghinalaan akong nanlalalaki kahit never kong hindi kayang gawin sayo?! " sigaw ko .

Agad na lumapit sakin si Jenie para pakalmahin ako . " Ano bang wala sakin? Bakit naghanap kapa? Hah!. Kung ganyan din naman pala ang gusto mo sana nagsabi ka na ayaw muna at baka naintindihan pa kita! Hindi ung nasa opisina ka at kampante akong nagtratrabaho ka iyon pala ibang trabaho ang trinatrabaho mo ! " sigaw ko .

Tinanggal ko sa kamay ko ang engagement ring na binigay niya sakin saka binato sakanya . Halatang nabigla siya sa ginawa kong iyon .

" L-love ba-"

" Sayo na iyan ! Kung gusto mo ibigay mo sa babaeng iyan " sabay turo sa babaeng gulat na gulat sa nangyayari . Kinuha ko ung papel na kinuha ko lang kanina sa simbahan na dapat fi-fill upan namin para sa kasal namin . Pinunit ko ito sa harapan niya mismo . " Wla na . Sira ang lahat gguk . Sana maging masaya ka sa ginawa mo . Sana mabigay niya ung bagay na hinahanap mo na hindi mo mahanap sakin . At sana maging matiwasay ang pagsasama niyo ." sabi ko .

Tatalikod na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hatakin papunta sakanya kaya nagkaroon ng pagkakataon na yakapin niya ako ngunit hindi ko siya binawian ng yakap . Nagkuyom ang kamao ko kasabay ng pagiyak . Ramdam ko ang pagtulo ng patak ng iyak niya .

" L-love maayos pa natin ito .P-please give me a chance . L-love please " sabi niya . Hinawaka ko sya sa dalawang braso upang mapabitaw siya sa pagkakayakap sakin .

" Sorry . Ayaw ko na . Maghanap ka nalang ng taong handang magpaka-gago sayo " sabi ko at naglakad na paalis .

Lumabas ako ng company niya ng umiiyak kaya todo tingin ang mga empleyadong nakakasalubong ko .

Nang makalabas ako ng tuluyan agad akong nagpara ng taxi at sumakay ng matiwasay .

" S-sa Gong village po " sabi ko kay manong .

Habang nasa byahe kasabay ng pag iyak ko ay bumuhos ang malakas na ulan . Napatingin nalang ako sa bintana at tinanaw ang buong kapaligiran .

Bakit kailangan kong madurog ng ganto? Tama ba na hindi dapat maging kampante sa taong hindi mo pa masasabing iyo? .

Love Into Infinity Road Where stories live. Discover now