Chapter 7

114 8 4
                                    

Jenie Pov .

Kararating ko lang sa bahay nila Taehyung at nadatnan ko silang nasa sala . Binaba ng mga kasama nila sa bahay yung mga gamit na kinuha ko kanina sa bahay nila ni kuya .

Halos maawa ako kay kuya dahil alam kong nahihirapan din siya sa sitwasyon nila pero nandito parin ang galit na dulot ng ginawa niya kay Taehyung .

" Kailangan mo muna sigurong magbakasyon sa Canada baby para naman makapagpahinga ka " rinig kong sabi ni Tita Jin .

Agad akong umupo sa tabi ni Taehyung na tahimik parin at mukhang kinakaya lang ang lahat .

" Besh andito lang ako huwag kang mag alala " sabay ngiti ko sakanya .

" Salamat Jenie " sabay yakap niya sakin agad din siyang bumitaw .

" Anak kelan mo balak umalis ng korea? " sabi ni Tito Namjoon .

Hinawakan niya ung kamay ko bago nagsalita . " Kapag nakapagpaalam naku ng maayos sa mga kaibigan ko " sabay tingin niya sakin , ngumiti nalang ako pabalik . Alam kong makakabuti ito kay Taehyung at sumasang ayon ako sa gusto ng magulang niya sakanya .

~

" Mamimis kita besh " sabay yakap ko sakanya habang nakaupo kami sa garden nila . " Sasama nalang yata ako sayo "

Natawa naman siya . " Ano kaba para kang bata riyan " sabi niya at tumawa . Nakampante naman ako dahil unti unti nang nakakabalik sa dati si Taehyung . " Hindi naman habang buhay magkasama tayo baliw ka "

Hinarap ko siya sakin at ngumiti . " Dadalawin nalang kita dun okay? " Nagulat ako ng bigla siyang maduwal at magtatakbo sa loob ng bahay nila .

Agad akong kinutuban dahil sa inasta ni Taehyung . Pinuntahan ko siya para tignan kong okay ba siya .

Kinatok ko ung banyo na kung nasan siya . " Besh okay kalang? Masakit ba tiyan mo? " sabi ko dahil baka may nakain lang ito na hindi maganda .

Lumabas siya ng banyo habang pinupunasan ng tissue ang mga labi . " Bumaliktad bigla ung sikmura ko " sabi niya habang nangangasim ang mukha .

Para talagang may mali ayukong sabihing totoo itong kutob ko pero parang totoo .


Taehyung Pov .

1 week ago

Isang linggo na ang nagdaan matapos ng mangyari . Ito ako ngayon parang bumalik sa dating taehyung na nag iisa .

Bakit ba napakahina ko? Ayuko ng ganto , ung pinapahirapan ako ng sarili kong kalungkutan .

Nasa puno ako ng mangga na dati kung pinagtatambayan noon . Tanaw dito ang paglubog ng araw at tamang tama sa kinakain ko ngayong strawberry . Ewan ko ba at bakit ako nag crave bigla sa strawberry na isasawsaw sa milk chocolate . Napapansin ko rin na tinatamad akong kumilos lagi , gusto ko lang matulog ng matulog at kapag madaling araw gusto kong kumain .

Pero binabalewala ko nalang , baka epekto parin ito ng pangyayari . Napaisip ako , masaya kaya si kookie na nawala ako? Nagagawa niya naba ung gusto niya? .

Naluha akong bigla dahil sa naisip ko . Agad ko itong pinunasan ng biglang may kotseng bumosina sa harapan ko na kinagulat ko .

" Ay palaka! " gulat ko muntik pang matapon ung pagkain ko ,buti nalang nasalo ko kaagad .

Nagbukas ang bintana ng van . Hindi pala ito sasakyan . Bakit ba nagiging bulag ako? . Masama yata talaga ang epekto sakin ng paghihiwalay namin .

" Tara na! gala naman tayo ! " si Shawn .Si shawn? Kelan pa ito nakauwi ng korea? .

" Shawn?" pagkagulat ko . Napansin kong kumpleto silang lahat . Andito si Yoongi at Ate suga pati narin si Jenie na siyang driver .

Love Into Infinity Road Where stories live. Discover now