Chapter 34

80 9 3
                                    

" Eunwoo! Bumangon kana diyan! " utos ni Jennie habang nakapamewang .

" Hindi ka papakinggan nan , tamo naman o? Wala na sa wisyo silang lahat " si ate .

" Anong gagawin natin sakanila? "

" Dyan nalang sila . Ayukong may tumatabi saking lasing " iritadong sabi ni Yoongi .

Tawang tawa naman ako sa itsura nila . Si Jungkook nakanganga habang nakayakap naman kay Dada habang si Dada naman nakayakap kay Hobi na siya namang nakabaluktot . Si Jimin at Eunwoo naman ay magkatapat ng mukha na kulang nalang ay maghalikan na .

" I love you Yoongi mahal " bulong ni Jimin habang hawak ang mukha ni Eunwoo .

" I love you too Jennie my love " si Eunwoo naman ngayon .

Tawang tawa kami sa itsura ng asawa ng dalawa habang sila naman ay problemadong problemado .

Hinayaan nalang naming silang lahat . Binigyan nalang namin sila ng kumot at unan para naman hindi sila mangalay . Hindi na namin sila binigyan ng sapin dahil nasa karpet naman sila natutulog at mukhang hindi naman sila lalamigin .

~

Umaga .

" Arghh! "

" Ayan! Mga lasinggero ! " sermon ni mama ng magising silang lima .

Gulat pa sila ng mapansin sila sila ang nagyayakapan .

" Dadi and your Dadi are both hugging each other " kwento ni Taekook kay Yoonmin dahil nakita niya kaninang nakayakap si Jungkook kay Jimin .

Diring diri naman si Jungkook ng malaman niya iyon at sa mismong anak niya pa galing . Nasa kanya kanya silang banyo at tumatawag ng uwak habang sinesermunan ng mga asawa nila . Ako naman , ito tinitignan ang bawat kilos ni Jungkook . Hindi ko naman kasi siya asawa para sermunan .

" Tubig? " alok ko kay Jungkook habang nakatulala sa sala , mukhang dinaramdam niya ang sakit ng ulo niya .

" Salamat " ngitian niya ako .

Bumalik din ako sa kwarto para kumuha ng gamot ,binigay ko sakanya ung pain killer para maibsan ung sakit ng ulo niya .

"Wala akong maalala kagabi " sabi niya .

Natawa naman ako . Gusto ko tuloy ipaalala lahat ng nangyari . Kung paano sila magbigayan ng beso nila Dada . Nakakadiri pero nakakaaliw tignan .

" Bakit hindi ako sa kama natulog ? " tanong niya sakin .

" Aba , mabuhat ba kita? " sarkastikong sagot ko sakanya . Nagkamot naman ito ng ulo .

Naghanda na kami ng almusal . Sinangag at dinaing na isda ang niluto ni mama . Samantalang ako naman ay nagluto ng hotdog at tapa para sa mga bata . Alam mo naman ay medyo may kaartehan ang mga yun , lalo na sa mga bagong pagkain na nakikita nila .

" Gising naba si Lolo , Ma? " tanong ko kay mama habang iniinit ang tirang ulam mula kagabi .

" Oo , kanina pa yun gising ang sabi sakin kukuha ng gatas sa kalabaw para sa mga bata "

Tumango nalang ako . Tinawag ko na sila para kumain , nadatnan ko pa sila ate at kuya hobi na nag aaway dahil mukhang hindi sanay uminom mashado si kuya kaya naman paglabas ng banyo ay akala mo nakipag sapalaran sa loob .

" Taekook" tawag ko sakanya .

Tutok nanaman ang mga mata niya sa panunuod ng tv kasama sila Sprite . Gulo gulo pa nga ang buhok niyang curly dahil napakaaga nitong magising , nagulat nalang ako kanina ng mawala siya sa tabi ko at nadatnan na nasa sala nanunuod ng cartoons .

Love Into Infinity Road Where stories live. Discover now