Chapter 32

84 12 10
                                    

" Badtrip ka pa? " tanong ko sakanya habang nakasakay kami sa elevator . Mukhang hindi naman kami naririnig nila ate e .

" Hindi naman " pagtatanggi niya pero halata naman .. Tsk .

Agad niya akong hinatak papalapit sakanya at hinawakan kamay ko pero seryuso parin siya .

" Dito kalang hanggang sa kumalma ako . Kasalanan mo din "

" Aba! Ak- "

" Huwag ka ng umangal pa "

Lumabas kami sa elevator at pumasok sa katapat nitong kuwarto . Nasa 20 floor pala ng hotel na ito ang tutuluyan namin .

Pagbukas ng pinto nakita ko kung gaano kalawak ang kwartong tutuluyan namin na hindi mo mapagkakamalang isang hotel ito, dahil para itong isang condominium .

Beige ang kulay ng pintura at ang mga gamit ay gawa sa kahoy na malalaman mong gawa talaga ng mga pilipino .

" Tagal niyong umakyat ah " si mama habang nakataas ang paa sa sala .

" Malayo e . Asan si Dada? " tanong ko .

" Nasa veranda sila . Teka dun pala ang kwarto niyo nila Taekook " turo niya sa lwartong katapat lang ng veranda .

Sinabi niya din sakin na sapat ang kwarto sa aming lahat dahil lima lang daw ang kwarto sa unit na ito . May mini bar din sa loob na pwede kaming mag inum kapag tulog na ang mga bata .

Pumasok ako sa loob ng tutuluyan naming kwarto , nagulat pa ako sa sobrang laki nito . Queen size bed ang kama kaya kasyang kasya kaming tatlo . May magandang banyo dahil may jacuzzi ito at may magandang view kang matatanaw dahil may balcony na nakalaan .

May kumatok at pumasok naman si Kookie na dala din ang gamit niya .

" Maligo kana " utos niya . Agad naman akong nagtaka .

" Bakit? "

Napairap naman siya . " One day lang tayo dito sa manila kaya dapat ilibot mo ako rito "

" E paano si Taekook? " tanong ko .

" Wala na sila nasa baba na silang lahat "

Ang bilis naman .

" Ibig sabihin tayong dalawa nalang dito? "

" Oo pero kung may iba kapang nakikita siguro marami tayo " pamimilosopo niya

Binato ko sakanya ung unan dahil sa pang aasar niya sakin . Tumayo ako at pumasok sa banyo pero bago yun tinawag muna niya ako .

" Bakit? " irita kong sabi .

" Sama 🥺 "

" Tanga ka! " sinaraan ko siya ng pinto . Rinig ko pa ang malakas niyang tawa. Siraulo talaga siya .

Natapos akong maligo ay agad din siyang sumunod . Nagsuot lang ako ng white tube na may lace na naitatali sa leeg saka short na maong .

Habang nagpapatuyo ako ng buhok ko biglang nagbukas ang pinto mula sa cr at iniluwa ang topless na katawan ni Jungkook .

Napahinto naman ako sa pagsuklay ng mahaba kung buhok . Nakashort ito na kulay itim habang ang pang itaas ay wala . Nakita ko tuloy ung mga tattoo niya sa katawan .

Taehyung My Love

" Pinatattoo mo ung pangalan ko sa dibdib mo? "

Napatigil siya sa pagpupunas ng buhok niya saka ngumisi . " Shempre ganyan kita kamahal , pati pangalan mo ipipinta ko sa katawan ko "

Love Into Infinity Road Where stories live. Discover now