Chapter 17

102 11 2
                                    

" Hello Family Jeon " sabi ng guro ni Taekook . " Hello taekook "

" Hello Maam Chaeyon " sabi ni Taekook .

" Mr. and Mrs. Jeon bago po tayo pumasok sa loob kailangan niyo pong magpalit ng damit " sabi nito .

Agad naman akong nagtaka . " Huh? Bakit? Ayus naman itong suot namin ah? May mali ba? "

Natawa naman ito . " Wala po Mrs . Tae " sabi nito . " Family day po kasi ngayon at may mga game kaya kailangan naka color codings po tayo ,ito po ung damit niyo na isusuot " sabay abot nito ng damit na kulay purple .

Wla na kaming nagawa kundi sundin ang patakaran . Nag banyo muna ako para magpalit hanggang sa madatnan ko ang dalawa na maayos na nakasuot ang damit . Magkakapareho kaming tatlo na kulay purple ang damit na masasabi mong pamilya talaga .

" Taehyung! " sigaw ng kung sino at nakita kong si Yoongi ito kasama si Jimin at si Yoonmin ang anak din nilang lalaki . " Omy gosh ! Ang ganda mo putik ka! " napatingin naman ito sa kasama ko . " Wait mukhang marami kang ikwekwento sakin " sabi nito .

" Woah! Bro absent tayong dalawa ! Hi Tae " sabi nito sakin . Nakasuot sila ng kulay yellow na damit na mukhang taeng luto . Char .

" Pake mo ! " sabi naman nung isa na naasar na kay Jimin .

Nakita ko naman si Yoonmin at si Taekook na masayang nagkwekwentuhan sa dulo . Napatingin naman ako sa babaeng kaharap ko .

" Pinaalam muna pala? " sabi nito .

" Obvious ba? " sabi ko . " Mga tanungan mo wala sa earth " natawa lang siya .

" Edi balikan na dizz? " pang aasar niya .

" Duh! Dami mong sinasabi tsk! Tara na mag uumpisa na " sabi ko ng bigla kaming mahintong lahat ng may maingay nanaman na sumalubong .

" My big bro! " sigaw ng kung sino at pagtingin namin si Hobi kasama ang pamilya niya . Dito din pala nag aaral si Sprite.

" Ninang! " sabi nito sakin at natuwa ako dahil binata narin ito .

" Grabe anlaki muna Sprite huh? " sabi ko habang nakayakap ito sakin .

"Ikaw ninang ang ganda mo parin " sabi nito .

" Taehyung my bunso " sabi ni ate suga at niyakap ako . " Grabe anlaki na ng pinagbago mo "

Niyakap ko rin siya . " Ikaw rin kaya at mas lalo kang nagiging business woman na "

" Grabe bro mukhang silang tatlo na ang papalit satin " sabi ni Hobi habang nakatingin sa tatlong bata na masayang naglalaro .

" Kaya nga babaero din kaya sila paglaki? " sabi ni Jimin . " Aray! Putaena ! Hobi! "

Binatukan kasi siya nito . " Itulad mo naman sa atin yang tatlo? Gago ka! "

" Biro lang naman to kamo " sabi niya .

" My little boy ang satingin kong magiging bunso " proud at nakangiti na sabi ni Kookie .

" At ang anak ko naman ang panganay " sabi ni Hobi .

Natawa nalang kaming tatlo nila ate . Mukhang sila nga ang pumalit sa tatlo .

~

Nag umpisa ang programa ng kaming tatlo nila Taekook ang magkakasama .

" Okay ! The first game is name are Daddy become a Mommy! " sigaw ng Mc . " Uupo ang mga Daddy at aayusan naman sila ng mga Mommy at kung sino ang pinakamaganda ay siya ang panalo . " sabi nito .

Naupo na si Kookie at nasa gilid naman namin si Taekook na todo cheer samin . Bakas na mukha ni Kookie ang inis dahil sa game . Natawa naman ako dahil ang itsura niya ay mukhang hindi makatae .

Nang makita niya akong nakangiti ay ngumiti narin ang gaga . Sinuotan ko siya ng head band saka inumpisahang ayusan .

" Aray! Tae ang sakit ng pilik mata ko , wala na atang natira !" sabi nito at kinapa ang pilikmata .

Pinitik ko siya . " Wag mong hawakan mawawala ung curl " sabi ko sumimangot naman ito

Natawa ako sa final na look niya . Mukha na siyang babae sa lagay niya ngayon. Hindi ko mapigilang matawa sa pagrampa nila kasama sila Hobi at Jimin . Si Yoongi naman ay mamatay na kakatawa  habang ang asawa niya ay nakasimangot narin . Todo cheer naman ang tatlong bata at sa huli ang nag uwi ng korona ay si Kookie . Akalain mo iyon may ganda din pala ito? .

Naglaro pa kami ng kung ano kagaya ng pahabaan ng gamit na kaming tatlo nila ate ang magkaka team . Todo hiyaw naman ang mga nanay dahil ang tatlo ay nagtopless at pinakita nila ang mga katawan na pinarayaw ang mga abs sa katawan . Mga keriri naman ang mga nanay , punyeta nakalimutan atang kasama nila ang mga mister nila . Nanalo parin kami at kaming tatlo ang nag aangkat ng mga papremyo .

Sa huling game ito ay medyo mahirap . Tupian ng dyaryo hanggang sa lumiit . Kaming tatlo ang nasa dyaryo .

" Paano ito maliit na? " sabi ko habang nakapamewang .

" Momi! Dadi ! We need to win ! " sabi ng anak ko .

" Dont worry baby gagawa tayo ng paraan " Nag isip naman si Kookie . " Buhatin ko si Taekook tapos yakapin mo ako  . "

Nabigla naman ako sa sinabi niya . " What?! Ayuko nga! " sabi ko .

" Sige na momi ! Para manalo tayo ! " sabi ng anak ko .

Dalawa nalang kasing kaming pamilyang naglalaban . Pumayag narin ako at napairap nalang .

Ganun nga binuhat ni Kookie si Taekook at ako naman ay yumakap sa kanya kaya nagkaroon ng pagkakataon na magkatapat ang mukha namin .

Dahil sa tagal biglang nadulas ang kamay ko at napabitaw . Nasalo naman ako ni Kookie gamit ang isang braso niya . Napatitig naman ako sa mata niyang parang kumakausap sakin .

" 3.. 2.. 1.. Yehey! Team purple ang nanalo! " sabi nito .

Pagka announcement ay bumalik ang diwa namin . Nagtatalon naman sa tuwa si Taekook . Pumunta kami sa intablado at kinuha ang trophy kasama ang ibat ibang papremyo tulad ng laruan at maliit na cash price . Kinuhanan naman kami ng litrato habang buhat buhat ni kookie si Taekook .

Binigay samin ung picture at tatlong copy ito . Malaki ang ngiti naming tatlo na parang masasabi mong masaya ang pamilya namin sa larawan .

" Akin yung isa huh " sabay kuha ni Kookie ng isa . Nakita ko siyang nilagay niya ito sa wallet niya . " Ayan nagkaroon din ng pangalawang picture itong wallet ko " sabi niya .

Nakita ko naman sa kabila ang picture ko noong college pa ako . " Nasa iyo parin iyan ? " sabay turo ko sa picture ko .

Napangisi naman siya . " Oo naman crush ko yan e kaya ayaw kong tanggalin " sabay kindat niya at umalis papunta sa anak niya . Natulala naman ako sa ginawa niya .

Love Into Infinity Road Where stories live. Discover now