Chapter 12

111 11 0
                                    

Taehyung Pov

" Dada! Why did you tell me na s-sila gguk ang makakaharap ko ngayon ?!" atungal ko kay Dada habang nakaharap sakanya sa kanyang opisina .

"Well if tell you that maaring hindi mo tatanggapin ang offer nila para sa company natin kaya naisip namin ni Mama mo na suprise . Nasuprise kaba? " sabi niya . Ewan ko ba kung niloloko ako ng mga magulang ko o iniinsulto .

Napairap nalang ako ." Obvious ba Dada? Are you tripping me you know? "

Tumayo siya sa kinauupuan niya saka pumunta sa likuran ko at hinawakan ang magkabilaang balikat ko . " Its okay anak huwag kang papadala sa mga makikita mo . Ipakita mo kung anong Taehyung Kim ang nasa harapan nila diba? "

~

" Taehyung your so beautiful . Omy god ! " sabi ni Tita Tine at pinaikot ako . " Grabe mas lalo kang gumanda . Ganyan ba ang epekto ng pag iibang bansa mo? "

Nahihiya akong makisalamuha sakanila ni Tito Bright dahil narin siguro sa nakaraan namin ng anak niya .

Ngumiti nalang ako ng matipid . " Thank you Tita , ikaw din walang kupas "

Bigla namang nagsalita si Tito Bright . " I was happy Tae na pumayag ka sa offer namin "

Ngumiti nalang din ako . " Of course Tito hindi ko naman po kayo matatanggihan e " pagsisinungaling ko .

" Well baka may pag asang pang maayos ung relasyon nyo ng anak ko diba? Tutal magkakasama ulit kayo ? " sabi ni Tita kaya agad kong kinabigla .

" Ano ba honey " awat sakanya ni Tito Bright .

Nakaramdam naman ako ng ibang awra na nagbigay lamig sa katawan ko ng may tao akong nararamdaman na nasa likuran ko .

" Hey everyone " sabi ni Kookie habang nakangiti . Napatingala naman ako habang nakatingin sakanya .

Agad akong umurong para bigyan siya ng pwesto . Bakit kasi dito pa siya dumaan e ang luwag naman sa ibang pwesto? .

Inayos ko ang awra ko para hindi mahalatang naaapektuhan ako sa pagkikita namin . As if naman na naaapektuhan ako? . Lol

Napatili naman bigla si Tita Tine . " Perfect na perfect talaga kayong dalawa o' Jusko kelan ko kaya ulit kayo makikitang masaya "

" Honey naman umayos ka nga " pang gigigil ni Tito Bright .

" Ayos naman kami Tita e " sabay tingin ko kay Kookie at nginisihan lang siya . Swerte naman niya kung ngingitian ko siya .

Pagkatapos ng meeting agad na akong bumaba ng building at tinungo ang sasakyan ko . Nagulat ako ng biglang sumalubong sakin si Jimin na anlaki laki ng ngiti .

" Pucha Taehyung is that you!? " tanong niya .

Ngumiti naman ako . " Yes Mr. President" nalaman ko kasi na iyan ang pwesto niya dito sa company na to .

Nag ayos naman siya ng neck tie na parang proud na proud . " Ang gandang pakinggan  haha " sabi niya . " Kamusta ka? Kamusta ung inaanak ko ? "

" Ayon kakapasok lang sa kanya ni Dada sa primary school ngayon " sabi ko .

" O' talaga? San mo siya in-enroll? "

" Sa Jang Primary School . Ikaw san nag aaral si Yoonmin ? " tanong ko .

" Doon din siya pero kinder na iyon baka magkita pa sila ni Taekook dun " sabi niya . " Naku! Mauuna na ako baka hinahanap naku sa itaas ingat ka Tae tsaka sasabhin ko nalang kay Yoongi na nandito kana " sabi niya

" Sige lang ingat ka rin pakikamusta ako sakanya " sabi ko at nag sign ng pagpapaalam .

Alas Dos na ng hapon maaga pa para sunduin si Taekook sa school nila . Nilibot ko muna ang sarili ko sa kalsada . Amoy na amoy ko ang simoy ng winter kasabay ng hangin na malamig . Maraming mga taong magkakasintahan ang magkasama na tinatanaw ang araw sa kalsada katapat ng dagat .

Medyo malayo na pala ang narating ko hanggang sa mapadpad ako sa food court . May bigla akong maalala sa lugar na ito . Pinasok ko ito at wala pa ring nagbago . Ang tanging nag iba lang ang mga tindera . Ganoon parin ang paligid , madaming pagkain at madami paring tao ang pumupunta dito .

Napangiti nalang ako ng maalala ko ang unang araw ng pagpunta ni kookie noon dito . Halos hindi siya makapaniwala noon . Bigla akong nasimangot ng mapagtanto ko ang laman ng isip ko . Bwesit mukhang nagugutom na ako .

Dali dali akong pumunta sa bilihan ng chapagetti at corndog . Bumili ako nito at omorder sa kabila ng rice drink at steam egg . Para tuloy akong nasa sauna nito .

Umupo ako sa isang bench na malapit sa dagat . Kahit pala anong gawin mo babalik at babalik ka parin sa nakaraan at kahit anong limot mo kung makakita kalang ng isang bagay na makakapagbigay alaala ulit nito , balewala lang ang lahat ng ginawa mong limot .

" Can i join you? " tanong ng kung sino pero hindi ko siya tinignan . Panira moment e . Pero hindi ko narin natiis kaya tinignan ko  na .

" Ang dami —gguk? Anong ginagawa mo dito?" bigla ko dahil ang kumag andito . Stalker punyeta . Sinimangutan ko nga .

Umupo na sya ng wala manlang pahintulot ko . Walang'ya di manlang ako tinanong kung ok lang na maupo siya . May dala itong ramyeon at shake .

" Tigilan mo nga yang pagsusungit mo hindi bagay sayo " sabi niya at ngumiti bago kinain ang ramyeon .

Kailangan ko ba ng komento niya ." Wala kang pake saka dun ka nga sa kabilang table " inis na sabi ko .

Bigla naman siyang tumigil sa pagkain at tumingin sakin . " Bakit? Ayaw muna ba akong makasamang kumain ? "

Tinaasan ko naman siya ng kilay . " As if naman na gusto ko ? Asa ka ! " pagtataray ko .

Ngumiti naman ito na parang nakikipaglukuhan lang ako sakanya . " Grabe parang tingin muna sakin e parang inidoro ah , diring diri? "

Hindi ko nalang siya sinagot at kinain nalang ng patalikod ung binili kong pagkain . Muntik pa akong mabulunan sa kakamadali dahil ayuko ng magstay sa kinakaupuan ko kaharap itong lalaking ito .

Nang matapos na akong kumain agad na akong tumayo . Agad niya akong pinigilan .

" Bakit!?" irita kong sabi

" Wait lang matatapos naku , sabay na tayo " sabi niya kaya naparolled eyes nanaman ako .

Natapos siyang kumain at sumabay nga ang gaga sa paglalakad ko . Ano bang trip nito? Mali ang timing ng araw ngayon bwesit .

" I know Tae na may nililihim ka sakin pero handa akong maghintay na sabihin mo iyon sakin " sabay ngiti .Napaisip naman ako ng malalim dahil sa sinabi niya .

Nasa tapat na ako ng kotse ko ng bigla niya iyong sabihin . Nagpaalam siya at iniwan akong nakatanga dito . Lihim? Ano ang sasabihin ko? Tungkol ba ito sa anak namin? May alam ba siya? .

Sumakay na ako sa kotse ng makita ko ang oras . Mga 30 minutes nalang lalabas na sa school si Taekook kaya agad akong nagmaneho .

Love Into Infinity Road Where stories live. Discover now