Chapter 35

75 12 3
                                    

Pangatlong araw .

" Ang asim! " bakas sa mukha ni Kuya hobi ang pagkaasim sa manggang hilaw na binalatan namin para ipatikim sakanila .

" Ang sarap , sawsaw mo kasi dito o! "turo ni Yoongi sa bagoong na may sili .

" Sanay na kayong kumain ni Tae ah " si Jimin .

" Oo naman ! Dami nito sa manila noon saka tagal naming nagbakasyon dito ni Taehyung sa pinas " pagyayabang ni Jennie .

Napatingin naman ako kay Jungkook na sinusubuan si Taekook ng hinog na mangga . Hinog na ang binigay namin sakanila dahil baka masira pa ang tiyan nila .

Kumuha ako ng pingi ng mangga at isinawsaw at agad na pinatikim sakanya . Tinignan ko pa kung maaasiman ba siya .

" Aba, Tibay hindi naasiman " sarkastikong sabi ko .

" Hindi naman maasim e baka maalat ung kamay mo " sabi niya .

Agad ko siyang sinipa sa tuhod .Loko loko talaga siya . Nanghingi pa siya at ngumanga kaya naman binigyan ko pa siya sa pagkakataon na ito hindi ko sinawsaw . Tignan natin kung hindi ka maasiman . Tawang tawa ako ng maasiman siya . Hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang asim na nalasahan niya .

" Mayroon pa rito! " sigaw ni lolo habang dala ang basket ng mangga . " Kuma.... "

" Lolo!!!!!" sigaw ko ng bigla siyang nawalan ng malay .

Agad kaming pumunta sakanya .

" Lolo! Gising ! Lolo!!!!.... " garalgal ko ng hindi siya magising .

" Tumawag kayo ng tulong! Kunin mo ung sasakyan bilis ! " taranta ni Dada .

" Papa! Gumising ka! " si mama na umiiyak narin .

" Huminahon kayo madadala siya sa hospital ! " sabi ni Jungkook .

Dumating ang van , agad naming nilagay si Lolo dun at sumama papuntang hospital .

" Lolo kaya mo yan " sabi ko sakanya habang nakahawak sa kamay niya .

Si Kuya hobi ang driver habang si Dada naman ang nasa shotgun seat na abalang may tinatawagan sa selpon .

" Papa , ano ba! Kung prank mo lang ito , hindi ka nakakatuwa! " si mama .

Sa bilis namin ay minuto lang ang lumipas ng makarating kami sa hospital . Kinuha agad si lolo at dinala sa ER .

" Maam hindi po kayo pwedeng sumama sa loob , maghintay nalang po kayo dito " sabi ng isang nurse ng pigilan kaming dalawa ni mama .

Hinawakan ko ang kamay ng nurse at nagmakaawa . " Gawin nyo po lahat maligtas lang ang lolo ko please " garalgal ko .

" Opo gagawin po namin ang lahat ng makakaya namin " sabi nito .

Naupo ako sa upuan habang si mama naman ay todo iyak sa tabi ni Dada .

Napayuko ako at napasandal sa dalawang tuhod ko para umiyak . Naramdaman ko naman si Kuya hobi na lumapit sakin para patahanin ako .

Ang sakit para sakin na makita si lolo sa lagay niyang yun . Ayuko siyang nakikitang pumapasok sa Hospital dahil natatakot ako sa mangyayari . Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa wala nakung maiyak .

Jungkook Pov .

" Dadi sama " pagmamakaawa ni Taekook habang tinitignan niya akong inaayos ang mga gamit na dadalhin ko sa hospital .

" No little boy .. Hindi pa pwede okay? " pagpapaliwanag ko sakanya .

"But i want to see lolo " sabi niya na parang maiiyak na ito .

Nilapitan ko siya at niyakap . " Lolo is strong kaya huwag ka ng mag alala . Pag pray mo nalang siya para gumaling siya at makauwi na "

Nagpunas siya ng luha saka tumango. " Okay Dadi i will "

Iniwan ko siya at ibinilin sa kapatid ko para alagaan muna habang wala pa kami . Habang nasa daan hindi ko mapigilang mag aalala . Mashado naring napamahal sakin si lolo kaya naman hindi parin ako makapaniwala na sinugod siya ngayon sa hospital .

Pagkarating ko sa hospital nakita ko kaagas si Taehyung na nakaupo lang sa labas ng ER at namumugto ang mga mata .

" Tae" sabi ko at agad na lumapit sakanya at niyakap .

Umiyak siya ng umiyak habang yakap ko siya . Pakiramdam ko nadudurog ako at nanghihina sa sitwasyon niya ngayon pero kailangan kong maging malakas para kahit papaano may makapitan siya at ako iyon .

" Si Lolo , Jungkook . Hindi siya okay " garalgal niya habang nakayakap sakin .

" Sshhh tahan na . Magiging okay rin siya Tae" sabi ko habang hinahawi ang buhok niya .

Matagal bago lumabas ang doctor mula sa ER . Nagmadali agad na lumapit sila Taehyung para malaman kung ano ang kalagayan ni lolo .

" Doc? Kamusta si Papa? " si Eomma na namumugto narin ang mata .

Bahagyang nanahimik ang doctor saka hinawakan ang kamay ni Eomma .

" Im so sorry Mrs . Kim ginawa po namin ang lahat para isurvive siya pero hindi na nakayanan ng puso ng papa mo "

Agad na nanlambot ang katawan ni Eomma kaya naman agad din kaming umalalay sakanya . Gumaralgal naman ng iyak si Taehyung .

" Hindi! Hindi totoo yan! Doc buhayin niyo si Lolo! " pagmamakaawa ni Taehyug sa doctor .

" Sorry . May butas ang puso ng lolo niyo at mashado na itong kritikal at hindi naagapan " paliwanag ng doctor sakanya.

Sakit at awa ang nararamdaman ko ngayon habang nakikita kong unti unting nadudurog si Taehyung .

" Kookie hindi totoo yun diba? Buhay si Lolo diba? " tanong niya sakin . Wla akong magawa kung hindi yakapin siya .

Mas lalong lumakas ang pag iyak niya na mas lalo kung pinag aalala dahil baka mawalan siya ng lakas sa kakaiyak nito ngunit wala akong magagawa dahil kahit ako mismo ay hindi parin makapaniwala ng sabihing wala na si Lolo Pogz .

Hinintay naming ipasok si Lolo sa Morgue  . Nang maipasok siya roon ay unti unting lumapit sila Taehyng at Eomma sakanya . 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng makita ko siyang nakapikit ngunit hindi ngumingiti .

" Papa!!!!!!! " sigaw ni Eomma habang nakayakap ito sakanya . " Papa naman bakit ngayon pa? Hinintay mo lang ba kami!? Bakit hindi mo sinabing may nararamdaman ka? Para sana maagapan natin diba! Papa!!!!!!" hindi ko maiwasang sumama sa iyak dahil labis rin akong nasasaktan .

" Lolo ... Bakit sa kabaong mo pa gustong humiga , ayaw mo ba sa malambot na kama? . Lolo naman! Maliit palang si Taekook oh! Aaalis kana agad! Pano naman kami .... wala na kaming lolo na babalik balikan ..Ayukong mawala ka lolo .. Mahal na mahal kita e " sabi ni Taehyung na halos ayaw na bitawan ang katawan ni lolo pogz sa pagkakayakap .

Dumating na ang mga taong mag aayos kay  lolo kaya naman hinatak na namin sila Tae para layuan ang bangkay ni Lolo .

Author : Sorry guyz medyo nadadala ako sa kwento ..Lesson learn mahalin niyo ung mga taong nandyan pa sa inyo  . Nawala ako past week kasi namatay ung lola ko and i feel the pain and hurt na nararanasan ni Taehyung ngayon ..

Love Into Infinity Road Where stories live. Discover now