1: PAMANA NG NAGLAHO

2.1K 66 15
                                    

Dedicated to DarkHeartfellia_18

Charlene's Third POV

Sampung taon na ang nakalilipas mula ng nawalang parang bula ang kaniyang lola. Na magpahanggang ngayon ay hindi nila batid ang kinaroroonan ng matanda. Kung buhay pa ba ito o patay na makaraan ang isang dekada. Ang tanging clue sa pagkawala nito ay ang iniwan ng matanda sa mismong silid nito. Bago ito mawala ng gabing iyon sampung taon na ang nakalilipas. At ang tanging alam nilang magpipinsan ay malalaman at makikita ang abuela makalipas ang sampung taon. Sa buwan ng nobyembre. Sa mismong araw ng mga patay. Kung paano at kung saan ito makikita ay tangling ang papa lang niya ang nakakaalam. Sa ama lang niya ipinagkatiwala ipatago ng abuela ang mahalagang impormasyon. Iyon ay dahil ang papa niya ang nag iisang anak na lalake ng abuela at namayapang abuelo.

Ang papa niya ang bunso sa apat na magkakapatid. Ang tanging nagdadala sa apelido ng Monteblanca. At ang masaklap pa ay nag iisa lang siyang anak at babae pa. At ang katotohanang buntis ang mama niya ng dalawang buwan ngayong taon ay maaaring maging pag asa o pagkadismaya sa lahi ng kanyang abuelo at abuela. Kung babae pa rin ang kanyang magiging kapatid ay doon na magtatapos ang lahi ng lolo niya.

Ang kanyang lolo ay pinaslang pagkatapos isilang ang kaniyang ama. Kung bakit ay tanging lola lang niya ang nakakaalam. At bukas ay araw na ng mga patay. Ang dahilan kung bakit may magaganap na pagtitipon sa angkan nila. Ilalahad ng papa niya ang kaalaman patungkol sa pagkawala ng lola niya. Gaganapin ito mamayang gabi. Sa ancestral house ng mga Monteblanca.

Sa Los Baños, Laguna.

Ang lugar na sinasabing pinagmulan ng buong angkan ng mga Monteblanca. Ang sentro ng lihim ng angkan. Lihim na masasabing totoong dahilan ng pagiging isang Monteblanca.

Sunud sunod na busina ng kotse nila ang nagpabalikwas sa pagkakahiga niya sa sariling kama. Hindi man niya nakikita ay alam na niya kung sino sa mga magulang ang gumawa.

Bumangon na siya. Kanina pa siya nakaligo at nakabihis. Naisipan lang niyang mahiga habang naghihintay sa mga magulang. Kanina kasi ay hindi pa nakaayos ang mga magulang habang siya naman ay tapos na at nakahanda. Ang mga gamit niya ay nakaayos na kagabi pa lang. Bagay na ipinagtaka niya ng iutos ng ama na mag empake ng ilang mga isusuot at mga kagamitan. At siya lamang ang kinakailangang maghanda. Kung bakit ay hindi pa niya alam. Inisip na lamang niya na one week or two weeks siya sa ancestral house. Bagay na ikinatuwa niya dahil doon nakatira ang pinsang si Mathew. Ang pinakaclose niyang pinsan.

Lumapit muna siya sa 4ft wall mirror ng silid niya. Pinagmasdan ang sariling anyo. Hanggang puwet ang buhok niyang kulay pink. Makinis at maputi ang kaniyang balat. Maganda ang mukha at pangangatawan. Matangos ang ilong na ayon sa papa niya ay namana niya sa side ng Monteblanca. Ang taas niya ay 5ft and 6inches.

Umikot siya ng dalawang beses at ng makuntento ay kinuha niya ang camping bag niya sa gilid ng kama. Nang muli siyang makarinig ng sunud sunod na mga busina ay nagmamadali na siyang lumabas ng room niya. Walang dudang papa niya ang bumubusina at malamang na naiinip na sa kanya.

Bukas na ang gate nila ng makalabas siya ng bahay. Nasa loob na rin ng kotse ang mga magulang. Ang papa niya ang driver at ang mama niya ang nasa front seat. Sa may gate ay nakatayo ang nag iisa nilang kasambahay. Si Manang Hermina.

Si Manang Hermina ay malayo nilang kamag anak. Hindi nagkaasawa at nagkaanak. Nang magkita ang papa niya at si Manang Hermina, may tatlong taon na ang nakararaan, ay kinupkop na ito ng ama. Nasa sixty two na ang edad nito. Sa kabila ng pagiging malihim nito ay walang dudang mapagkakatiwalaan ang matanda. Sa loob din ng tatlong taon ay madalas niyang napapansin ang palihim na pag uusap ng papa niya at ni Manang Hermina. Curious siya sa mga naging usapan ng dalawa pero ayaw naman niyang manghimasok sa isang bagay na wala naman siyang kinalaman. At wala rin namang ginagawang masama ang dalawa.

LORD OF THE DRAGONS (DRAGONGOD 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon