3: PASUKIN! MUNDO NG ARSULAMA

666 31 42
                                    

Dedicated to dark_violisa

France's Third POV

Tabon Cave...
Quezon, Palawan...

Iginala niya ang paningin ng makalabas siya sa lagusang kumokonekta sa Arsulama. Madilim ang paligid at puro rock formations ang nakikita niya. Kahit madilim ang paligid nagagawa niya pa rin makita. Ito ay dahil na rin sa taglay niyang kapangyarihan. Isa sa mga abilidad ng mga panginoon ng mga dragon na tulad niya.

Wala pa rin pagbabago ang kwebang ito. Hindi pa rin natutuklasan ang bahaging ito ng kweba. He smile at the thought.

Makakaya naman niyang gumawa ng sariling lagusan na kokonekta sa dalawang mundo. Ang sekreto ay enerhiya at isipan. Enerhiya para makabuo ng isang lagusan. Isipan para sa destinasyon. Ganoong kasimple lang ang proseso pero ang nakagagawa lang ay ang mga nilalang na may malalakas na kapangyarihang taglay sa katawan. Pero mas pinili pa rin niyang gamitin ang natural na paraan. Ang pumasok sa lagusan na matatagpuan sa templo ng Malkiria. Ang kabilang bahagi ng lagusan ay matatagpuan sa mismong kinaroroonan niya ngayon. Ang Tabon Cave.

Sa totoo lang ay maraming lagusan patungo sa Arsulama at pabalik sa Earth. Pero ang mga lagusang iyon ay hindi garantisadong pareho ang papasukan at lalabasan sa dalawang mundo. Kahit saan ay pwede kang mapunta sa Arsulama at ganoon din sa pagbabalik. Pero ang mga nakakapasok lang sa mga lagusang iyon na iilan lang ang nakakabalik ay tinatawag na spirited away.

Nagsimula na siyang maglakad palabas ng sekretong bahagi ng Tabon Cave. Nang makalabas siya ay lumantad na ang bahagi ng kweba na sumikat ng husto. Na kung saan ay natagpuan ang Tabon Man. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng kweba.

Madilim pa rin ang paligid. Hindi ito tulad sa loob ng kweba na hindi napapasukan ng liwanag. Ito ay dahil gabi ngayon sa mundo ng mga tao.

Kinuha niya ang papel na nasa bulsa at binasa ang lokasyon ng sadya upang makasigurado. Nang makuntento ay muli niyang ibinulsa.

Tiningnan niya ang oras sa wrist watch niya sa kaliwang palapulsuhan.

11:04pm..

"Hay.. Kailangan ko ng magmadali. Malalagot ako kay Tandang Eliza kapag pumalpak ako." Marahang sabi niya na siya lamang ang makakarinig. Kasi naman walang picture! Angal niya sa isipan.

Buong pangalan at address lang kasi ang ibinigay sa kanya. Iyon lang ang tanging impormasyon na hawak niya sa susunduin.

Huminga siya ng malalim. "Game!" Masaya at masigla ang boses niya. Pagkatapos ay bigla ng naglaho dahil sa pagkilos at paglipad sa napakabilis na paraan.

Sa isang saglit ay narating niya ang probinsya ng Laguna. Ang problema lang ay hindi niya alam ang papuntang Los Baños. Kaya dinukot niya sa kaliwang bulsa ang phone niya. Ini-on ang data connection para sa internet at pumunta sa maps.

Nang malaman niya ang saktong lokasyon ay napangiti siya. Nasa ere pa rin siya at nakalutang na may taas na apatnapung talampakan. Pagtapos ay bumulusok na ulit siya sa himpapawid.

Charlene's Third POV

Kasalukuyan niyang kasama sa kusina si Mathew at si Louisa at nagkakape. Tanging ang dalawang pinsan na lang ang gising. Dalawang oras lang ang itinagal ng inuman nilang magpipinsan. Hindi dahil wala ng alak na maiinom. In fact isang case pa ng red horse ang hindi nila nagalaw. Sadyang mahihina lang silang uminom pagdating sa alak. Occational lang kasi kung mag inuman sila. Si Mathew at Sammy lang sa magpipinsan ang matatawag na pangdigmaan sa alak. Silang mga babae ay hindi talaga mga sanay uminom.

LORD OF THE DRAGONS (DRAGONGOD 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon