11: ANG MALHASA NG APOY

333 22 5
                                    

Dedicated to yenohenash

Charlene's Third POV

Pinagmasdan niya ang paligid. Bitak bitak ang buong kapaligiran at nagpupulasan ang mga kumukulong putik buhat sa mga bitak.

Walang mga mababang uri ng mga diablong apoy na matatanaw. Ngunit ang paligid ay animo impyerno sa itsura.

Kung hindi dahil sa sagradong baluti ay tiyak na mararamdaman niya ng husto ang nakakapasong kapaligiran.

Ang ilan sa mga bitak sa lupa ay may mga kumukulong putik na bumubulwak. At batid niyang hindi biro ang magiging pinsala nito oras na madikitan ang isang buhay na nilalang sa katawan nito.

Maya maya ay gumalaw ang lupa ng ilang minuto. Pinagmasdan niya isa isa ang mga kasama. Walang bakas ng pagkabahala sa mukha ng mga ito. Bagkus ay tila lalo pang nananabik ang expression ng mukha ng mga ito.

"Nagsisimula na ang Malhasa." Panatag na imporma ng sepira ng kidlat.

"Maglalabasan na ang mga kampon na tinawag niya." Sabi naman ng Hasmala.

Muli niyang iginala ang paningin sa paligid. Pero wala siyang makita bukod sa kakaibang porma ng lupa at mga kumukulong putik sa mga bitak. Marahil ay dahil may kaluwangan ng di hamak ang paligid kaysa sa pinanggalingan nilang silid na bahagi ng bulkan.

Nakatingin sa malayo ang tatlo na hindi kayang abutin ng kanyang paningin. "Ano ba ang tinitingnan ninyo?" Hindi na niya matiis ang kuryusidad kaya minabuti na niyang magtanong.

"Hindi mo ba makita ang Malhasa sa harapan natin, Datu?" Usisa sa kanya ni Rhina.

Sa harapan?

Sinipat niyang mabuti ang paligid. Harap. Kanan. Kaliwa. Pero wala talaga siyang makita! Niloloko lang ba siya ng kaibigan?

"Altera, ikaw na ang bahala sa Malhasa." Kalmateng utos ng panginoon ng mga dragon.

Hinugot ni Altera ang kandiwa sa kanang bewang. "Hindi ko kayo bibiguin, Panginoon!" Buo ang kumpyansa sa sarili ng Hasmala.

"Ako na ang lalaban." Seryoso niyang sabi. Pagkatapos ay inusal ang salamangka ng liwanag ng kidlat.

Nagliwanag ang buo niyang katawan at pagkatapos ay nabalutan ng kuryente ang dalawa niyang kamay hanggang braso.

"Hindi ko kayo bibiguin." Seryoso pa rin niyang sabi. Ano ka ngayon, Hasmala? Mas astig ako sayo! Gusto niyang idagdag at napangiti ng husto.

Bumungisngis si Rhina. "Ang tapang mo talaga, Datu!"

Bumaling ang Hasmala sa panginoon ng mga dragon. "Panginoon?" Nagtatanong ito.

Huminga ng malalim si France. "Charlene, nag iisa lang ang Malhasa pero ang mga magsusulputang mga kampon ay higit na mas marami." Paliwanag nito.

Muling gumalaw ang lupa at nagsimula magkabitak bitak ng husto. Mula sa mga bitak ay nag ahunan ang mga hindi mabilang na kakaibang nilalang. May kaunting pagkakahawig ang mga ito sa porma ng isang tao. Pero ang kabuoang pangangatawan ng mga ito ay hango sa kumukulong putik. Ang taas ng mga ito ay umaabot ng hanggang pitong talampakan. Walang bibig at ilong at tenga ang mga ito. Tanging nag aapoy na mga mata ang meron sa mukha ng mga ito.

"Ang mga yan ang haharapin mo, Charlene." Sabi ni France ng tuluyan ng nakaahon ang lahat ng mga makakalaban.

Tinitigan niya ang mga nilalang ng apoy. Namumutiktik ang bilang ng mga ito. "K-kayanin ko bang lahat ang mga yan?" Usisa niya.

LORD OF THE DRAGONS (DRAGONGOD 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon