Dedicated to DaemonBlack0111
Charlene's Third POV
Mabilis ang nagiging paglalakbay nilang dalawa ni Rhina. Sakay silang dalawa ng hayop na kung tawagin ay Kalipa.
Ang kalipa ay isang uri ng hayop sa Arsulama. Kasing laki ng elepante ang pangangatawan nito pero ang taas at haba ng katawan ay higit pa sa elepante. Ang ulo nito at mukha ay nahahawig sa kalabaw at may laki na doble sa ulo ng kalabaw. Ang dalawang malahita nitong sungay ay katulad ng sa mga mountain goats sa Siberia. May tatlo itong buntot at may dalawang matutulis na pangil. Ang kulay ng balat nito ay abuhin at makapal ang balahibo sa buong katawan gaya sa isang ox. Malaki ang katawan nito at mabigat ngunit higit na mas matulin ito sa arab stallion ng dalawang beses.
Si Rhina ang nagpapatakbo sa kalipa. Nasa unahan niya ito at nasa gitna nilang dalawa ang astokria.
Pinagmasdan niya ang kaibigan. Hanggang ngayon ay hindi niya alam kung bakit nagbago ang isip nito. Imbis na maghiwalay silang dalawa ng direksyon ay sumama ito sa kaniya at nangakong tutulungan siya.
Binalikan ng isipan niya ang naging usapan nilang dalawa pagkababa sa higanteng puno. Na kung saan ay ang kinaroroonan ng tribo ng mga Morengge. Ang tribo na kaniyang tinapos!
Two hours ago..
"Datu, doon tayo!" Turo ni Rhina ng makababa na silang dalawa ng tuluyan sa higanteng puno.
Napako siya sa kaniyang kinatatayuan. Ang balak niyang pagtakbo ay naudlot ng makita ang tinutumbok nila.
Huminto si Rhina ng makitang nakatayo lamang siya at nagmamasid ng lingunin siya. Nasa mukha niya ang pag aalangan.
"Kailangan na nating makaalis!" May kalakasan ang boses ng kaibigan.
"A-anong klaseng hayop ang dalawang iyan?" Usisa niya na may halong kaunting kaba.
Nilingon nito ang dalawang hayop sa unahan nila at nakangiting bumaling ulit sa kanya. "Wag kang matakot, Datu! Isa yang kalipa."
"Ano ang gagawin natin sa dalawang iyan?"
"Iyan ang gagamitin natin sa magkahiwalay na paglalakbay." Nakangiti ito ng husto.
BINABASA MO ANG
LORD OF THE DRAGONS (DRAGONGOD 1)
FantasyAng mundo ng Arsulama ay nababalot ng hiwaga at kapangyarihan. Isang mundo na pinamumugaran ng maraming malalakas na nilalang at isa dito ang mga makapangyarihang dragon. Na may kakayahang mangwasak ng mga mundo. Siya si Charlene Mae Monteblanca, is...