Charlene's Third POV
Kahit ilang beses pa siyang kumurap. Makapigil hininga talaga ang tanawing nakikita niya. Nagtataasan ang mga higanteng puno sa paligid. May mga hayop na naglilipana sa paligid na noon lamang niya nakita.
Kahit ang mga halaman at mga damo ay kakaiba. Medyo madilim ang paligid dahil hindi gaanong nararating ng liwanag ng araw ang ilang mga bahagi. Pero sapat para makita niya at mamangha ng husto sa kanyang paligid.
Kakailanganin pa niyang maging isang makatang manunulat upang i-describe ang namamalas ng kaniyang mga mata sa pamamagitan ng isang tula.
Isang tula na aangkop sa kagandahang ngayon lamang niya nasilayan mula pagkasilang.
Nagsimula na siyang maglakad. Walang tiyak na patutunguhan. Nasa ibang mundo na siya at wala na sa mundo ng mga tao. Ano man ang mangyari simula ngayon ay pananagutan niya ang sariling kaligtasan.
Wala siyang aasahan bukod sa sarili niya. Kaya kailangan niyang mag ingat ng husto. Kung hindi niya gagawin ay tiyak na ang malagim niyang kamatayan.
Ilang oras na ang lumipas buhat ng magsimula siyang maglakbay. Walang nabago sa paligid niya. Puro nagtataasang mga higanteng puno pa rin ang nakikita niya. Bukod pa doon ay kanina pa siya nakakaramdam ng matinding antok. Ang alam niya ay gabi ng pumasok siya pero apat na oras na ang nakalilipas ay mataas pa rin ang sikat ng araw. Base sa sinag ng araw sa ibang mga bahagi ng kagubatan. Idagdag pa ang tama ng alak na ininom nilang magpipinsan.
Sampung minuto pa ang lumipas at hindi na niya kinaya ang matinding antok at pagod. Lumapit siya sa ugat ng isang higanteng puno na animo building sa Makati ang laki ng troso. Naupo siya at sumandal. Ipinikit ang mga mata at ilang saglit pa ay nasa mundo na siya ng panaginip.
Lingid sa kaalaman ni Charlene ay kanina pa may mga pares ng mga matang sumusunod at nagmamasid sa kanya. Naghihintay ng tamang pagkakataon. At ito na ang tamang pagkakataon sa kanila.
Tatlong Morengge ang lumabas sa pagkakakubli. Pare parehong armado ang mga ito ng mga sinaunang sandata.
Ngumisi ang Morengge na may hawak na espada. "Asinak nepur muga datu!" Isang babae na tao!
Mahinang tumawa ang may hawak na palakol. "Seru eki ustukaranak kara." Swerte natin ngayong araw.
Nilapitan si Charlene ng pangatlong Morengge na may hawak din na palakol. Naupo ito sa harap ni Charlene at pinagmasdan siya ng mabuti.
"Asnak kalu saksunak hukrasi!" Matutuwa ang ating pinuno! Sabi nito.
Lumapit ang may espada. "Hartukar muga eki kalu nepurnak datu galu arguruk isk saksunak hukrasi!" Hulihin na natin ang babaeng tao at dalhin sa ating pinuno! Saka marahas na nilapitan si Charlene at binuhat.
Nagmamadaling umalis ang tatlong Morengge na bihag si Charlene. Babalik na ang mga ito sa kanilang tribo.
Dahil sa sobrang puyat at mahimbing na pagkakatulog. Hindi na namalayan pa ni Charlene ang nangyari at ang panganib na kakaharapin.
Nagising siya sa nakakakuryenteng patuloy na dumadampi sa kanyang pisngi. Nang tuluyan siyang magising at magmulat ng mga mata ay mabilis siyang napaatras sa pagkabigla at takot.
Ang mga rehas na kahoy ang pumigil sa mas malayo niyang paglayo. Hindi niya malaman ang gagawin.
Isang kulay asul na kawangis ng tuta. Ang nasa harapan niya at nanatiling nakamasid sa kanya. Pero hindi talaga ito tuta. Ang mga balahibo nito ay paminsan minsan na nagiging tila matutulis na tinik o sibat. Ang mga mata ay kulay asul at ang dalawang kilay ay mahaba ang dulo na para bang buntot ng isang ibon. Pero sa dulo nito ay nagkokorteng kidlat. May haba ito na dalawang dangkal.
BINABASA MO ANG
LORD OF THE DRAGONS (DRAGONGOD 1)
FantasyAng mundo ng Arsulama ay nababalot ng hiwaga at kapangyarihan. Isang mundo na pinamumugaran ng maraming malalakas na nilalang at isa dito ang mga makapangyarihang dragon. Na may kakayahang mangwasak ng mga mundo. Siya si Charlene Mae Monteblanca, is...