10: ANG MGA DIABLO NG APOY

365 26 5
                                    

Dedicated to MissTissa_

Charlene's Third POV:-) -

Kamuntik na siyang matumba sa takot at pagkabigla. Ngayon lamang siya nakaranas at nakakita ng ganitong uri ng nakakatakot na tanawin at nilalang ng kadiliman.

"Ano yan!" Malakas niyang tanong sa mga kasama.

Isa kasing higanteng ulo ng demonyo ang lumitaw sa pinakaitaas ng higanteng pintuan. Kasabay nito ay ang pagliliyab ng paligid ng pintuan.

Pumunta sa unahan ang panginoon ng mga dragon. "Ang bantay ng tarangkahan." Simpleng sagot nito at pagkatapos ay itinaas ang kanang kamay at lumantad ang isang gintong porselas. Naaadornohan ito ng isang asul na hiyas. "Sepira ng tubig, lumabas ka at magpakitang gilas. Sundin ang aking ipag uutos!"

Nagliwanag ang asul na hiyas at mula dito ay lumabas ang asul na likido. Dumami ito ng dumami sa hangin hanggang sa magkorteng tao. Hindi nagtagal ay nagkaroon na ng pisikal na kaanyuan ang likido. Isang magandang babae na nahahawig sa kasuotan ni Rhina at kaanyuan ang kasalukuyang nagbibigay galang sa panginoon ng mga dragon. May dalawang espada na nakaekis sa likuran nito.

"Panginoon, ano ang aking maipaglilingkod sayo?" Usisa ng sepira ng tubig na nakaluhod ang kaliwang tuhod at nakayuko ang ulo.

"Gusto kong maglaho ang kadilimang nasa harapan ko ngayon." Mahinahon lang ang utos nito. "Pagkatapos ay bantayan mo ang tarangkahan. Walang makakapasok at walang makakalabas maliban sa aming apat." Dagdag pa nito.

"Masusunod, aking panginoon." Tugon ng sepira ng tubig at saka tumayo at lumutang hanggang sa katapat na nito ang diablo ng tarangkahan.

Nagbuga ng malaking apoy ang higanteng ulo ng diablo. Tumama ito sa sepira ng tubig at nilamon ito.

Napasigaw siya sa sindak. "Pinatay yong babae!" Malakas ang boses ni Charlene.

Binalingan siya ni France. "Isuot mo na ang kwintas." Utos nito sa kanya.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. Wala ba itong puso? Ang tinawag nito ay nilalamon ng apoy hanggang sa mga sandaling ito. Tapos ay mag uutos ito na akala mo hari para isuot niya ang kwintas!

Kumunot ang noo ng panginoon ng mga dragon. Pagkatapos ay muling bumaling sa sepira ng tubig na patuloy na binubugahan ng apoy.

"Wag kang mag alala." Kalmadong sabi ng panginoon ng mga dragon. "Hindi mapapaslang ang alagad ko sa ganyang kahinang atake." Saka muling bumaling sa kanya. "Isuot mo na ang kwintas. Papasok na tayo." Muli nitong utos.

May tumapik sa kanang balikat niya. Nang lingunin niya ay nakangiting Rhina ang nakita niya. "Hindi ganyang kahina ang mga sepira ng aking panginoon. Ang isa lang sa kanila ay may kakayahang maghasik ng kaguluhan sa bawat mundo na kanilang tatapakan." Paliwanag nito. "Pagmasdan mo ng sarili mong mga mata." Saka inginuso ang kinaroroonan ng kapwa sepira.

Napatingin ulit siya sa sepira ng tubig. Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng sariling mga mata. Dahil nakalutang lang ang sepira ng tubig na para bang hindi ito binugahan ng apoy ng matagal. Walang pinsala sa buo nitong katawan. Kahit ang kasuotan nito ay hindi man lang nadilaan ng apoy. Ang ulo naman ng diablo ay parang nagtataka sa naging resulta ng atake nito.

LORD OF THE DRAGONS (DRAGONGOD 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon