Dedicated to madamrhinaminchin
Charlene's Third POV
"Kunin mo ito at inumin." Sabi sa kanya ng makapangyarihang panginoon ng mga dragon.
Isang kulay dilaw na maliit na botelya ang iniabot nito sa kanya. At clueless siya kung para saan iyon. Basta ipinapainom na lang sa kanya ng hindi sinasabi ang dahilan.
"Lalasunin mo ba ko o palalakasin?" Usisa niya kay France.
"Inumin mo na at nag iisa lang yan sa pag aari ko. Masyado ngang mahal yan kung ibebenta ko." Sagot nito.
"Gaano kamahal?" Muli niyang usisa.
"Mas mahal pa sa buhay mo." Saka bumaling kay Rhina. "Ang singsing, Rhina. Akin na. Mapapasabak ka sa susunod na makakalaban." Nasa tinig nito ang pagiging seryoso.
"Panginoon, sinasabi mo bang hindi kakayanin ng sarili kong lakas ang makakalaban?" Paniniguro ng sepira.
"Ang susunod na makakalaban ay isang heneral ngga diablong apoy. Hindi sasapat ang kasalukuyan mong lakas. Kinakailangan mong bumalik sa kin panandalian. Para mabuhay ka sa laban mo." Paliwanag ni France.
"At kung hindi ko gawin, Panginoon?" Hamon ni Rhina.
"Ipapaubaya ko sa sepira ng hangin o nyebe."
"Hindi mo magagawa yon sa akin, Panginoon. Akin ang labang ito." Angal ni Rhina.
"Binibigyan kita ng pagpipilian, Rhina. Ikaw na ang magdesisyon."
"Hello! Nandito pa ko!" Singit niya.
Hawak pa rin niya ang botelya. Hindi niya malaman kung iinumin na o itatabi muna.
Si Altera naman ay nananatiling tahimik. Wari bang ang lalim ng iniisip.
"Inumin mo na yan, Datu. Bago pa magbago ng isip ang aming panginoon." Nakangiting sabi ni Rhina.
"Ano ba talaga ito?" Usisa niya.
"Isang handog mula sa aking panginoon." Sabi na lamang ni Rhina.
Hindi na sya nag atubili pa. Ininom niya at sinaid ang laman ng botelya. Mukha namang ligtas. Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala namang pagbabago na naganap sa katawan niya.
Narating na nila ang susunod na silid. Malinis ang buong paligid. Walang diablong apoy na makikitang pakalat kalat.
"Rhina, ikaw na ang lalaban." Utos ni France.
"Ako na lang!" Singit nya.
"Huwag kang pabida, Datu." Saway sa kanya ni Altera. "Ikaw at ako walang laban sa susunod na makakalaban."
"Eh bakit si Rhina?" Usisa niya.
"Higit siyang mas malakas kaysa sa ating dalawa." Tugon nito at nagmasid na sa buong paligid.
Nagmasid din siya sa paligid pero wala siyang makita. "Baka walang kalaban."
"Nararamdaman ko ang presensya ng kalaban." Amin ni France. "Humanda ka na Rhina."
"Opo, Panginoon." Tugon ni Rhina.
Biglang may lumitaw na malaking apoy sa unahan nila. Kasing taas ito ng tao.
"Ano yan." Usisa niya sa biglaang pagsulpot ng gataong apoy.
"Ang kalaban." Simpleng sagot ni Altera.
"Rhina, ang singsing." Paalala ni France.
Nabalot sa kidlat ang buong katawan ni Rhina. Nag uumapaw ang sepira sa kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
LORD OF THE DRAGONS (DRAGONGOD 1)
FantasyAng mundo ng Arsulama ay nababalot ng hiwaga at kapangyarihan. Isang mundo na pinamumugaran ng maraming malalakas na nilalang at isa dito ang mga makapangyarihang dragon. Na may kakayahang mangwasak ng mga mundo. Siya si Charlene Mae Monteblanca, is...