Prologue

13 0 0
                                    

"Isang milktea na lang makokompleto na natin!"


"Hala,oo nga!"


Pag kasama ko talaga 'tong baliw na 'to,pati ako laging nakasigaw.


Pero okay lang masaya naman. 


"Kanino natin ibibigay 'yong free?" he asked.


"Pwede naman na ako na lang din uminom" pwede namang tayo lang din uminom niyan, maghahanap ka pa ng bibigyan mo.


"Takaw mo naman" tapos bigla siyang tumawa. Kaasar.


"Kay Math na lang tapos papakilala na lang din kita." nakita ko kung paano mas umaliwalas ang kaniyang mukha pagkatapos ko 'yon sabihin.


"Talaga?Ipapakilala mo na ako sa best friend mo?" abot hanggang mata 'yong ngiti niya.


Ang sarap niya lang titigan magdamag.


"Oo" nginitian ko na lang siya.


"Sige order na ako ah" napaka lambing ng boses niya.


As usual nasa taas kami kaya hinintay ko muna siya makababa ng hagdan at agad na kinontact si Math.


[Hello?]


After nito, 'di na ako mag-mimilktea.


"Math"


[Anisa?Wow may load ka?]


"Gaga,duh syempre rich ako."


[Edi sana all rich,oh bat napatawag ka?]


"Remember the guy na kwinekwento ko?"


Mag frufruit tea na lang ako.


[Oo! 'Yong sweet tapos gwapo tapos mabait na guy?]


"Yeah"


[Oh,bakit 'yon?]


"He wants you kasi"


[H-Ha?]


Sino ba naman kasing 'di magkakagusto sayo?


"I-I mean ano, he wants to see you" yawa


[Eh?bakit daw?]


"Basta punta ka na lang"


Natawa na lang ako.


[San ba kayo now?]


"Chatea"


Magtutubig na lang siguro ako.


[Pupunta na lang ako diyan.]


"Okay"


Pinatay niya na ang call at sakto namang dumating si Aiden.


"Nacontact mo na si Math?"


"Oo, pupunta daw siya"


Nginitian ko na lang ulit siya at nagcellphone kunyare.


"Nisa"


Ang ganda talaga ng pangalan ko kapag siya ang tumatawag.


"Why?" nilingon ko siya.


"Thank you" nginitian niya ako at umiwas siya ng tingin sa 'kin.


Ngayon lang ako nasaktan dahil sa isang thank you.


Parang 'di ko na gusto patutunguhan nito kaya umalis na lang ako


Mag tutubig na lang talaga ako.


Loyalty CardWhere stories live. Discover now