Chapter 5

7 0 0
                                    


"Math may nanliligaw ba sayo?"tumigil siya sa pagbabasa niya at tumingin sa akin.


"Wala" she answered briefly.


"Fling?" tanong ko ulit. Impossible naman kasi na wala, sa ganda niyang 'yan?


Ba't parang tunog fuckboy ako doon?


Tumigil siya ulit sa pagbabasa at biglang nanliit yong mga mata niya na tumititig sa akin.


"Bakit Nisa?May i-rereto ka ba?" sabay dahan dahang lumapit sa akin.


"Gaga" tumawa naman siya at nagsimulang magbasa ulit para sa quiz namin mamaya.


"Nisa" tawag niya sa pangalan ko.


"Bakit?"sumagot ako sakaniya nang di tumitingin dahil nagsimula na rin ako magbasa.


"Hindi ako makakasabay sayo mamaya umuwi ha" napatingin ako sakaniya dahil sa sinabi niya.


"Ha?bakit?" nawala ang focus ko sa binabasa ko at nalipat sa kaniya dahil parang first time ata 'to na hindi siya sasabay sa akin.


"May pupuntahan kasi kami ni mama mamaya" malumanay niyang sabi. 


Parang hindi siya komportable na sabihin kung sino kasama niya kaya hindi na lang ako nagtanong pa.


"Ay oki, ingat kayo" tumango naman siya.


Lumapit ako sakaniya at bumulong.


"Basta sabay tayong lumabas ng gate ha" natawa na lang siya sa sinabi ko.


"Anisa Kate Garcia, paano ka na lang kung wala ako?" umiling iling pa siya na parang dissapointed talaga siya sa akin.


"Kaya nga kaibigan kita diba? Serve your purpose naman" pang-aasar ko sakaniya.


"Ah ganon? Sige, mag-isa kang lumabas ng gate mamaya." sabay talikod sa akin.


"Math! Nagbibiro lang ako, ano ka ba!"


Loyalty CardWhere stories live. Discover now