Chapter 3

11 0 0
                                    


"M-Math!" sa sobrang layo niya na kailangan ko pa tuloy tumakbo kaya tuloy hingal na hingal ako.


"Bilisan mo naman kasi maglakad Anisa Kate.Sige ka baka maunahan tayo sa taas." tuloy tuloy niyang sabi habang naglalakad pa rin.


"Ang haba naman kasi ng mga biyas mo,ang laki tuloy ng mga steps mo." pagrereklamo ko pa sakaniya.


Paano ba naman kasi noong nagpaulan ng height ang Lord,nakapayong siguro ako.


"Maliit ka lang Anisacakes." she said.


Pagdating namin sa Chatea,naghanap agad ng vacant na table si Math sa taas para sa aming dalawa pero sad to say na hindi na vacant yong sa taas kung saan kami lagi naka-pwesto.


Kaya dito na lang kami sa tabi ng entrance.


"Yan kasi ang bagal mo maglakad!" paninisi pa sa akin ni Math.


"Kasalanan ko na naman!" sagot ko sakaniya.


"Alangan naman na akin?" sabay turo niya pa sa sarili.


Inirapan ko na lang siya.


Ganito kasi talaga ang daily scenario namin ni Math, lagi kaming nag-aaway pero charot charot lang naman 'to.


"Libre mo na lang ako para 'di na ako galit hehehe" sabay tusok sa tagiliran ko.


"Wow ha" wala naman akong nagawa kaya nilibre ko na lang siya.


Medjo kasalanan ko naman kasi kung bakit 'di kami nakaupo sa taas ngayon.


Pagkatapos ko mag-order bumalik na ako agad sa upuan namin, sa tabi ng entrance mismo.


Nag-uusap lang naman kami ni Math kagaya ng nakagawian namin nang biglang may mga maingay na pumasok.


"Ang swerte ni Nicoleight 'no?" sumiksik sa akin bigla si Math at binulong 'yon.


"Ha?Why?"


"Ay charotera,english!" Panira talaga.


"Ewan ko sayo." Umayos ako ng upo dahilan para mawalan siya ng sisiksikan.


"Napapalibutan kasi siya ng mga gwapo,look oh!" she whispered.


Tumingin ako sa gawi nila Nicoleight.


Kasama niya na naman mga pinsan niya.


Mga Solar talaga napaka head turner.Sana all na lang po.Halos lahat ng nasa loob nitong Chatea sa kanila naka-tingin.


I just looked back at the carbonara that I ordered.


Napatingin na lang ako ulit sa entrance dahil bumukas ang door.


Aiden.







Loyalty CardWhere stories live. Discover now