"pst"
"pst"
Kung chismis lang talaga sasabihin nito sa akin ,masasapok ko siya.
"pst,anisa!"
Pagkarinig ko ng pangalan ko dahan-dahan akong lumingon sa likod para 'di ako mahuli ng prof namin dahil nag-klaklase pa siya.
"Ano?" bulong ko pero may halong irita.
"Saan ka after class?" she asked.
Hindi ba makahintay tong babae na 'to na matapos ang klase bago mag-tanong? Kung hindi lang siya ang kaibigan na meron ako, hindi ko talaga 'to kakausapin,char.
"Hindi ko pa alam" tinalikuran ko na siya at humarap na ulit sa prof ko na nagtuturo.
"Hmp!Sunget!"
Hindi ko na lang pinansin si Math at nakinig na dahil malapit na pala ang exam week. Ayoko naman na bumagsak.
"Hoy! Anisa!"halos dalawang rooms na ang layo ko kay Math pero rinig na rinig ko pa rin ang boses niya hanggang dito!
Binilisan ko na lang ang takbo ko para hindi na ako mahabol.
"Tatakas ka pa ha?" hinihingal niyang sabi habang hawak niya yong dulo ng buhok ko dahil tumakbo siya papunta sa akin.
"hehehehehe" hilaw akong tumawa dahil nahuli niya na naman akong tumatakas sa pagiging cleaners.
"hehehehehe ka diyan!" sigaw niya sa akin. "bumalik ka doon huy!" pabiro niya pa akong hinampas ng walis tambo.
"Edi wow!" gusto ko lang naman umuwi para makapag-review na ako.
"Ikaw,wala kang utang na loob.Pasalamat ka kaibigan mo 'ko kasi hindi kita nililista sa mga di naglilinis kahit na lagi kang tumatakas!" sigaw niya pa.
Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang mag-linis.
Bakit ako pa ang kailangan mag-linis nito? Hindi ko naman kalat 'to! Dapat kalat mo,linis mo! Aishhh!
"Oh bat naka kunot na naman yang noo mo?" talagang tumigil pa siya sa pagwawalis para lang mang-asar.
"Wala, bilisan mo na lang diyan"sabay inirapan siya.
Gusto ko ng milktea.
"Math, milktea tayo after nito" sabi ko sakaniya.
"Wow, daming pera ah" pang-aasar niya na naman.
"Edi wag" hays bakit siya lang kasi kaibigan ko, napaka mapang-asar pa.
"Anisa! Joke lang, ito naman" lumapit pa siya sa akin habang tumatawa.
YOU ARE READING
Loyalty Card
Ficção AdolescenteLoyalty Card "paano nga ulit tayo nagkakilala?" natatawang tanong ko. "may hawak ka kasing loyalty card that time" sagot naman niya.