Chapter 7

6 0 1
                                        



"So pwede ba makiupo?" tanong niya ulit "Miss?" tawag niya pa sa akin.

Natauhan na lang ako ulit nung tinawag niya ako

"Ha?"

"Okay lang ba na umupo ako dito? Bibilisan ko na lang, promise!" tinaas niya pa talaga 'yong right hand niya na nag propromise.

Syempre sino ba naman ako para tumanggi, si Aiden na to!

"O-Okay lang" umayos ako ng upo at inayos 'yong mga gamit ko para mailagay niya rin sa table 'yong mga gamit niya. Nagsimula na rin siya sa project niya and napakabilis niya mag type,sana all.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong nasa harapan ko yong crush ko na gumagawa lang naman ng project niya pero napakagwapo pa rin! May ganito pala kagwapo na tao Lord? Halatang 'di mapapasaakin huhuhu pwede ba na gawan ng paraan?

"Kung naiinis ka pa rin po na dito ako nakaupo, pasensya na talaga. As you can see wala na talagang available na upuan kundi dito sa table mo." he said while typing.

"Ha?Naiinis?Hala hindi!" sumubo ako ng carbonara para kumalma ako kasi kinakabahan ako dahil sakaniya.

"Eh bakit kanina mo pa ako tinitignan?" inangat niya ang tingin niya sa akin at uminom sa tumbler niya. "Kung nakakamatay lang ang tingin feeling ko marami na akong matatanggap na flowers bukas" pinunasan niya yong tubig na tumulo sa gilid ng bunganga niya gamit ang kamay niya at tumingin ulit sa akin.

"Hoy! Di kaya kita tinitignan!" tinawanan niya lang ako at bumalik na siya sa ginagawa niya.

Sumubo na lang ako ulit ng carbonara para kumalma ulit dahil feeling ko ang pula na ng mukha ko dahil sa sobrang hiya! Nakita niya na nakatingin ako? Masyado bang halata iyon? Jusko, ano na lang kaya iisipin niya.





"Mauna na ako" pagpapaalam ko sakaniya dahil tapos naman na ako kumain at gusto ko na rin umuwi dahil baka mamaya may magawa ako na pagsisihan ko pa. Teka bat ako nagpaalam?



"Sabay na tayo, malapit na rin naman ako matapos" tatayo na sana ako pero nagulat ako sa sinabi niya.

Hindi naman kami close para yayain niya ako na sumabay sakaniya diba?

"Ha?"

Sinarado niya na ang laptop niya at tumingin sa akin.

Bakit naman ganiyan ka tumingin, nakakatunaw huhuhu.

"Favorite word mo ba ang ha or bingi ka lang?" napabuka na lang ang bunganga ko dahil sa lalake na 'to. Masyadong nakakagulat.

"Di naman kasi tayo close para magsabay diba?" sabi ko sakaniya.

"Edi maging close tayo" sinuot niya na yong bag niya at naunang pumunta sa pintuan ng shop para lumabas.

Ano daw?Totoo ba yong narinig ko?

Napansin niya ata na hindi ako sumusunod sakaniya kaya nilingon niya ako.

"Joke lang" pagbawi niya.

Medjo nakahinga naman ako dahil doon pero sana hindi niya na binawi.

Charot.

"Familliar ka kasi kaya naisip ko na sabay na tayo maglakad pauwi" nasa labas na kami ng shop ngayon at naghihintay ng tricycle para makauwi. "Taga aquino street ka ba?" tanong niya.

"Bat mo alam? Stalker ba kita?" medjo kinakabahan ko na tanong.

Kahit na gwapo siya at crush ko siya kung creepy naman siya, ready ako na i-uncrush siya!

"Wow ha, hindi ba pwedeng nakita lang kita na naglalakad pauwi?" STALKER NGA ATA SIYA!

"Di nga ako stalker!" dagdag niya ulit.

"Wala naman akong sinasabi ah!" bat ba nasigaw siya pati tuloy ako nasigaw!

"The way kasi na tumingin ka sa akin akala mo naman talaga" did he just rolled his eyes at me? "Ang ingay kasi nung kasama mo kaya pansin na pansin talaga kayo" kamot niya pa sa batok niya.

Si Math ba tinutukoy niya? Nakita niya na si Math?

Bigla ako nalungkot di ko alam kung bakit.

"San kayo?" may tricycle na tumigil sa harap namin kaya napa angat ako ng tingin.

"Isa po sa Aquino tas isa po sa bonifacio" napatingin ako sakaniya dahil ngayon ko lang nalaman na magkatabi lang pala yong street namin. Kaya siguro familliar ako sakaniya. 

Familliar na ako sa crush ko! May progress na kami!

"Ay sige sige" sabi ni manong.

"Una ka na" nauna na ako pumasok ng tricycle at sumunod siya.

"Okay lang ba na tumabi ako sayo or sa backride na lang ako?" tanong niya.

"D-Dito ka na maluwag naman dito" sabi ko sakaniya at inayos yong uniform ko at kinandong yong bag ko para makaupo siya.

"Para kasing naiinis ka kapag tinititignan mo ako" 

"Okay na ba?" tanong ni manong.

"Opo"sagot ko "Hindi ako naiinis, ganon lang siguro ako tumingin. Mukha daw kasi akong galit lagi sabi ng kaibigan ko" pagpapaliwanag ko sakaniya.

"Ahh" kinuha niya yong phone niya at tinignan kung anong oras na. Napatingin tuloy ako ng wala sa oras. Mag seseven na pala. 

Ang bango niya.

Lord, pwede mag suggest ng makakatuluyan in the future?huhuhu





"Kuya dito na lang po" huminto kami sa tapat ng gate namin at bumaba muna siya para makababa ako.

Kukuha na sana ako ng pamasahe pero nagulat ako dahil nauna siya sa akin na magbayad.

"Dalawa na po kami diyan kuya" hindi ako sanay na may nagbabayad para sa akin kaya  binigyan ko siya ng ten pesos para pangbayad.

"Sayo na yan, pa thank you ko na kasi pinaupo mo ako kanina" naiwan ako na nakatulala sa labas ng gate namin dahil sakaniya, kay Aiden.

"Thank you Lord!" sumigaw at tumalon dahil kinikilig talaga ako kanina pa.

Tumunog yong phone ko at nag appear ang name ni Math.

Bukas ko na kakausapin si Math, akala niya siguro nalimutan ko na siya ha.Magpapasuyo muna ako sa ngayon. Bahala siya diyan.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loyalty CardWhere stories live. Discover now