"Ang usapan one o'clock dapat andito na,anong oras na Maria Mathilda?"
Napainom na lang tuloy ako dahil sa asar.
"Ang chaka naman ng Maria Mathilda!" sigaw niya sa 'kin.
Pinabayaan ko na lang siya at uminom sa taro flavor na milktea ko. Mas lalo lang akong maiinis kapag pinatulan ko pa siya.
"Bumili pa kasi ako ng walis tingting" tinaas niya pa ang walis na hawak niya para siguro ma-convince ako na reasonable naman ang rason niya kung bakit siya late.
"Ilang oras ka ba namalengke ha?" mapanuya kong sabi.
"Grabe naman sa oras teh"
Umupo siya at nilagay ang mga pinamili sa isang bakanteng upuan na nasa table rin namin. Meron kasing tatlong upuan dito.Nang makaupo na siya, nilapit ko ang upuan ko sa kaniya.
"Dala mo ba?" pagpapacute ko sakaniya?
"Diyan! Diyan ka magaling! Lakas mong magalit ikaw naman may kailangan! " umacting pa siya na parang nasasaktan at pagod na pagos na sa akin.
"Ihh sorry na Math pero ano dala mo?" pangungulit ko.
Nilabas niya ang libro na gusto ko hiramin sa kaniya.
Feeling ko kumikislap na 'yong mga mata ko dahil sa saya!
"Hala!Thank you Math!" 'di ko na hinintay na ibigay niya sa 'akin at kinuha ko na lang agad.
"Oh libre mo na ako!" pagpapa-alala niya.
May deal kasi kami na pinag-usapan. Ililibre ko siya ng milktea at fries kapag papahiramin niya ako ng binili niyang Ao Haru Ride manga.
Ang totoo niyan,magkasama kami noong binili niya 'to. Kaso wala akong pera that time kaya sabi ko siya na lang bumili tapos hihiramin ko na lang. Mindset ba mindset.Nakatipid pa ako.
Dahil sa taas kami nakaupo bumaba muna ako para mag-order ng milktea at fries niya.Mula sa pagkakaupo biglang napatayo ang nasa cashier at tinanong kung anong order ko.
"Isa po sa strawberry and isa rin po na fries" medjo kabado ko na sabi. Di ko alam pero kahit ilang beses ko na na-try mag-order kinakabahan pa rin ako.
"Sugar level po ma'am?"
sugar level?level 1? Hala ano nga yon huhuhu
Nilibot ko yong paningin ko sa menu para hanapin yong sugar level na sinasabi niya and buti na lang nakita ko na.
"F-Fifty percent po" Nakakahiya baka isipin niya 'di ko alam ano 'yong sugar level.
Alam ko naman talaga yon kaso nalimutan ko lang talaga. Oo,nalimutan ko lang.
Inulit niya lahat ng order ko at sinabi sa 'kin na ihahatid na lang daw sa taas.Aalis na sana ako nang tinawag ako ulit ng cashier.
"Ma'am baka gusto niyo po kumuha ng loyalty card,free lang naman po."
Tinignan ko 'yong loyalty card na hawak niya. 'Di naman ako pala milktea pero kumuha parin ako kasi free naman. Sayang naman baka magamit ko rin.
"Sige po"
"If mapuno niyo lahat ng stamp yan ma'am may libre po kayo na isang milktea"ngiting ngiting sabi pa niya.
Ngi,isa lang?
"Ay okay po,thank you!"kinuha ko na lang ang card at umakyat.
Pagkaupo na pagkaupo ko bigla akong binulungan ni Math.
"Wag mo tignan ah,ang gwapo nong guy na nasa likod mo"kinikilig niya pang sabi.
Agad ko naman itong nilingon kung gwapo nga.
Ay gwapo nga.
Pagkaharap ko kay Math bigla niyang pinitik ang noo ko.
"Aray naman!" napahawak ako sa noo ko dahil sobrang sakit ng pagkapitik niya.
"Sabi ko wag mong tignan! Bat nilingon mo?!" medjo sumisigaw niyang sabi.
"Paano ko malalaman kung gwapo kung 'di ko lilingunin?" depensa ko.
"Ay ewan ko sa 'yo Anisa!"
YOU ARE READING
Loyalty Card
Novela JuvenilLoyalty Card "paano nga ulit tayo nagkakilala?" natatawang tanong ko. "may hawak ka kasing loyalty card that time" sagot naman niya.