Chapter 6

16 0 0
                                    

At dahil nga napagkasunduan namin ni Math na sabay kaming lalabas ng gate kahit na 'di kami sabay umuwi, we are here sa labas ng gate para mag bye sa isa't isa.


"Basta mag-chat ka anisa ha kapag nakauwi ka na ha?" kanina pa siya paulit ulit sa mga sinasabi niya sa akin, at paulit ulit naman din akong sumasagot.


"Oo nga kasi,kulit mo naman eh!" sabi ngang oo kasi huhu gusto ko na umalis dito, nagsisilabasan na yong mga students.


"Alam ko naman kasi na makakalimutan mo kaya inuulit ulit ko duh" 


"Sige na, bye na!" tinutulak ko na siya palayo para maka alis na rin kaming dalawa.


Magba bye na rin sana siya sa akin pero nagulat kaming dalawa sa car na huminto sa harap namin. Napahinto kaming dalawa sa ginagawa naming tulakan nung lumabas si Nicoleight na naka suot ng P.E uniform niya.


Bakit ang unfair ng mundo? Mukhang pawis na pawis siya pero ang ganda pa rin. Gusot yong t-shirt niya tas magulo rin naman yong buhok niya pero ba't bagay niya?


"Ate kanina ka pa daw po hinihintay ni kuya Styx kaya nauna na lang daw po siya, sabay na lang daw po ikaw sa akin." nahihiyang sabi niya.


Natulala pa kami ng ilang seconds ni Math bago makapagsalita. Naunang naka recover si Math kaysa sa akin kaya siya ang unang nagsalita.


"Ah ganon ba? Mag-cocommute na lang siguro ako" talaga bang nag-uusap sila ni nicoleight?


"Ay hala ate sabi kasi ni kuya Styx sa akin, sumabay ka daw po dapat sa akin" parang iiyak niya na sabi. Dahil ayoko naman na ma-issue na pinaiyak namin ang pinaka mamahal na pinsan ng mga Solar, tinulak ko na papunta sa kaniya si Math.


"S-Sige na Math, bye na!" agad ko siyang iniwan doon at tumakbo.


"Nisa!" hindi ko na siya nilingon at tumakbo na lang.




Andito ako ngayon sa Chatea, kumakain ng carbonara  at ngayon ko lang narealized lahat ng nangyari kanina. Mauubusan ako ng allowance sa kakagastos ko nito.


Teka, yong sinabi ni Math na lakad? Yong kasama niya? Wag niyang sabihin mga solar kasama niya?!


Akala ko ba best friend kami? Bakit wala siyang sinasabi sa akin? Parang nung isang araw lang nagsabi pa siya ng ang swerte daw ni Nicoleight tapos ano 'to?


Kinuha ko ang cellphone ko at chinat siya.


You: May dapat ba akong malaman?


Mukhang hindi siya online, mukhang nag-eenjoy ah


Maghanap na ba ako ng bagong best friend?huhuhu


Susubo na sana ako nang may nagsalita at tinanong kung may kasama ba ako sa table.


"May nakikita ka bang nakaupo dito bukod sa akin?" patuloy lang ako sa pagkain dahil na-sstress ako, pano kung ayaw na akong kaibigan ni Math?


"Ay hehe, pwede ba na makiupo ako? Wala na kasing vacant na upuan, may need lang akong tapusin na project" 


"Bakit dito mo kasi yan tatapusin, pwede namang sa school or sa bahay niyo, diba?" Inangat ko ang ulo ko para makita ko siya.


"Brownout kasi sa bahay tapos wala namang wifi sa school hehe" 


Ba't naman ganito Lord? 


Bakit si Aiden 'to?





Loyalty CardWhere stories live. Discover now