CHAPTER 6 The Card

7 0 0
                                    

JAN'S P.O.V.

After kung mag-logout, doon ko narealize na its better to tell her what im feeling right now, if irereject niya ako kaagad edi mabuti at least di masyadong masakit kahit masakit naman talaga. (Labo pare?)

Kung sa akala niyo stranger talaga ako kay Avery, well maybe?

Matagal ko na siyang nakilala pero never akong nagkalakas loob na makipag-"Hi, Hello" man lang sa tuwing siya'y napapadaan. (sa susunod ko na i share ang details niyan.HEHE. stayput lang kayo guys!)

Sa present na nga lang tayo. Kung nagtataka kayo kung paano ako napadpad sa unit niya. Well, alam niyo, pamilya lang naman po namin ang may-ari ng condo building.

Katabi lang din ng unit niya ang unit ko. Never pa kaming nagkasalubong niyan dahil alam ko may daily routine na siya at schedule kung anong gagawin sa araw-araw. I've been very careful not to get caught by her. Para namang may kasalanan ako, seriously nahihiya lang talaga ako at mahirap ng mabuko.

I've always been watching, listening or the best word which defines what I'm doing is: I've been "STALKING " her since then.

Like right now, I know she will have a date, I guess. Bago pa siya umalis, inunahan ko ng magbigay ng card sa kanya.

" Meet Me"

          --Jan

Yan ang naisulat ko. Marami akong gustong sabihin at ipagtatapat sa kanya, pero 2 words lang nailagay ko. Amfufu ko naman, baka kasi ano pang maisulat ko at masabing "I Love You" Avery.HAHA.

Tinetest ko lang naman kung interesado ba siyang makita ako ngayon.

*Ding Dong Ding Dong*

Habang nagdodoorbell ako, di ko mapigilang kabahan. Kaya ang ginawa ko ,iniwan ko nalang sa floor yung card at dali-daling nagtago sa may ikatlong unit, nakahoodie rin kasi ako ngayon kaya di masyadong halata.

Pagbukas niya ng pinto, bigla siyang nagtaka, akala ko nga di siya titingin sa baba. Luckily, nakita at pinulot niya ito. Alam ko ang tipid ng sinabi ko, baka kasi kapag nabasa niya yun mag-lolog-in agad siya para itanong kung saan kami magkikita.

Kaso wala eh. Tiningnan ko ang IPOD ko, di talaga siya nag-OL

Kainis wala talaga akong pag-asa. Dedma to the highest level pa rin. ( O.A masyado.HAHA. walang maisip eh)

AVERY'S P.O.V.

May nagdoorbell ulit at alam ko si Tejan na talaga iyan. Mabuti naman at dumating na siya, its 10 minutes past 10 na. Ngayon pa yata siya na late sa mga lakad namin. Matanong nga to.

"Oh, na late ka ata?" Galit galitang tanong ko sa kanya

"Pasensya naman, may tinulungan kasi ako sa baba kaya ako natagalan." - hinihingal niyang sagot.

"Aysus! kunwari ka pa, nakalimutan mo lang tong lakad natin eh."

"Hindi ah, totoo nga Al, gusto mo puntahan pa natin yung tinulungan ko. Alam mo naman ako'y sadyang mabait kaya di maiiwasan..." pagdadahilan niya pero di ko na siya pinatapos kasi mas lalo kaming matagalan.

"Ok, tama na, I believe you na, so lets go, ang dami mo pang satsat eh!" - natatawang sabi ko sabay hila sa wrist niya para makalarga na kami.

Sumakay kami ng elavator para mapadali kasi nasa 20th floor pa tong unit ko. At never kong babaktasin ang napakahabang hagdan noh. Ano sila HILO?

Pinipindot ko na ang pa-ground floor. Pasara na sana ito ng may naglagay ng kamay sa gitna ng door ng elevator. Nagitla tuloy ako sa ginawa niya,  ewan ko lang dito sa kasama ko na nag-space out yata ang sarili.

ChAnGeS HaPpEn UnExPeCtEdLyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon