July 26, 2011
Saturday 3:46 PM"Sorry po, Ate at Kuya."
Napa-iwas ako ng tingin, mula sa pagkatitig sa mga mata ni Earl. Natauhan din siya at bumalik sa pagkaka-upo.
Lumingon ako sa bata. "Ano bang pinaglalaro niyo't napapunta pa rito sa gawi namin 'yang paghagis mo ng tsinelas?! Pa'no kung natamaan ang pagmumukha ko't tiyempong sa mata pa? May tsansa pa akong mabulag!"
"Tumbang lata p-po," nauutal niyang sambit sa'kin. Bigla na lang siyang umiyak ng napakalakas. May ibang mga tao nang nagtitingin sa'min kaya't lumapit ako sa bata.
"Ikaw naman, nagbibiro lang naman ako, 'wag ka na umiyak." Baka mag-away pa kami ng magulang nito kapag nalamang umiiyak ang anak niya dahil sinermonan ko siya.
Great, ako na ngayon ang may kasalanan.
Kinuha ko ang sariling pitaka mula sa'king bulsa. Kumuha ako ng bente pesos pagkatapos ay ibinigay 'yon sa kaniya, kasabay ng nahagis na tsinelas.
The kid calm down after recieving the money. Syempre, bata, malaki na 'yon para sa kaniya.
Tuluyan na itong umalis.
Hinarap ko si Earl at nabigla ako nang may bigla na lang siyang ipakitang sulat.
Don't thank me. I protected the camera, not you.
Hindi na nakabitay ang camera sa leeg ko, Earl.
Is that so? I taught nakabitay.
I didn't replied.
Do you wanna learn how to bike? With me?
He changed the subject.
Speaking about bike. . . Naalala ko noong una tayong nagkita, narinig ko ang medyo paghagikhik mo. Tapos ngayon, tatanungin mo'ko kung gusto kong matutong mag-bike kasama ka?! Baka tawanan mo lang ulit ako kapag natumba ako?!
Patuloy ko.
I frowned as he suddenly smiled.
Proud pa atang tinawanan ako. Parang hindi rin natumba no'ng una niyang sakay sa bike, e.
I think you just misunderstood my actions.
Kayong mga lalaki, hilig niyong mandahilan.
BINABASA MO ANG
As We Created Our Own Sound (Completed)
Teen FictionThe Greek philosopher Plato said, "Music is a moral law. It gives soul to the universe, wings to the mind, flight to the imagination, and charm and gaiety to life and to everything." Vhea, an eighteen-year-old city girl, had an inkling that partneri...