June 27, 2011
Monday, 9:11 AM"Bwisit, wala nga!" irita kong tugon kay Regine.
"Asus, nakita ko nga mukha ni Earl no'ng nagyakapan kayo, e," ngiti-ngiti niyang sambit. "Nakapikit with matching smile-smile."
Simula kagabi--matapos niyang makita ang pagyakap ko kay Earl--pinipilit niya nang aminin kong may namamagitan sa'ming dalawa.
"Gano'n ang reaction niya? Sure?" namamangha kong tanong.
Pabalik-balik siyang tumango. "Alam mo, Vhea, may iba't-iba kasing klaseng reaksiyon ang isang tao kapag may biglang yumakap sa kanila," malumanay niyang sambit.
Lalo niyang inilapit ang kaniyang upuan sa'kin. "'Yon ay kung magagalit ba siya't itutulak ka niya, walang emosyon at hahayaan ka lang na yakapin siya, o ang pinakamasarap sa feeling. . ."
"Ang yakapin ka niya pabalik, sabay ngiti, kasama nang pagpikit ng kaniyang mata't parang dinadamdam ang moment niyong dalawa," she blurted, " at 'yon ang napansin ko kay Earl, 'yon ang nakita ko sa yakapan niyo."
My face made a grimace as she pulled out those words along with a not-so-loud screech. Napatingin tuloy ang ibang estudyante--na patuloy ine-enjoy ang oras ng recess--sa gawi namin. Agad naman silang umiwas, na siyang ikinalma ko.
My focus shifted on the notebook I eventually opened. "Friendly hug 'yon, Regine. Imposibleng hindi ka rin niya nayakap noon."
"Nayakap naman na, kaso iba 'yong sa inyo. Siya kasi ang unang yumayakap, hindi ako, o kahit si Russel. Hindi naman sa wala kaming planong yakapin siya, pero dahil napaka-arte lang talaga niya. Ayaw niyang maidikit ang katawan niya sa'yo, lalo na kung madungis, o sa paningin niya'y maraming nakadikit na germs."
"Eh? He's sensitive?" Ba't parang 'di naman siya gano'n pag nakakasama ko? Humiga-higa pa nga sa kalsada kahapon.
"Hindi ko alam kung anong kahulugan ng salitang 'yan pero mukhang bagay naman kay Earl kaya parang gano'n na nga."
"Ewan ko sa'yo, oy," I cited, "kung ako sa'yo, mag-study ka na lang, may quiz pa naman sa science mamaya."
"Alam mo, naalala ko dati, habang nagbabasa siya ng libro, aksidente ko siyang nadistorbo, dahil kasi itong si Russel, bigla na lang akong itinulak, aba kalauna'y hindi ba naman ako pinansin. Halos isang linggo rin niya akong hindi pinansin."
Kaunti niyang inatras ang kaniyang upuan dahil medyo dumikit na ito sa upuan ko. "Basta, ayaw niyang dini-distorbo siya lalo na kapag nagbabasa. Ikaw, Vhea, hangga't maaari, huwag na 'wag mo siyang istorbuhin," she expostulated.
Mula sa pagkaka-pokus sa mga naisulat na notes, naibaling ko na naman ang paningin sa kaniya. "Seryoso? Palagi ko pa naman siyang dini-distorbo. Wala naman akong maalalang nagalit siya."
"Kasi baka special ka para sa kaniya? 'Yong tipong mas special pa sa'min ni Russel."
Napailing ako. "Baka gano'n lang talaga siya kasi kakakilala lang namin?"
BINABASA MO ANG
As We Created Our Own Sound (Completed)
Teen FictionThe Greek philosopher Plato said, "Music is a moral law. It gives soul to the universe, wings to the mind, flight to the imagination, and charm and gaiety to life and to everything." Vhea, an eighteen-year-old city girl, had an inkling that partneri...