CHAPTER FIVE

690 46 24
                                    

June 14, 2011Tuesday, 3:44 PM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

June 14, 2011
Tuesday, 3:44 PM

"Ayokong sumama. Ilang minuto na lang din naman bubuksan na ang gate. Maghihintay na lang ako," hindi ko pagsang-ayon kina Russel at Regine.

They requested me to join them. Sa ospital daw. It's an absolute no to me. Going on a hospital makes me feel anxious. It's not about the blood nor the paranormal creatures.

It's because of the patients-naalala ko si Mama.

Kailangan ipa-check-up ni Unggoy ang mukha niya. Binigyan sila ni Ma'am ng letter kaya pwede na silang lumabas.

"O 'di sige. Alam mo naman na ang daan pauwi 'di ba?" tanong ni Unggoy.

"Oo, ilang araw na rin akong palakad-lakad mula rito pabalik kila Nanny."

Nagpaalam sila kaya't inayos ko ang bag ko.

Agad na lang akong inabutan ng walis tambo ng isa sa mga kaklase ko. "Tayo ang naka-assign sa room ngayon. Walang transferee-transferee rito, magwalis ka."

This situation does not set well with me. Kahapon, napagod ako kakalinis ng salamin. Bakit ba ayaw na lang nila kumuha ng tao na maglilinis ng room, tapos babayaran na lang?

Binitawan ko ang walis at lumabas sa room pagkatapos akayin ang bag. Maraming alikabok sa loob, baka ubuhin pa'ko. Paglabas, nabangga ko ang babaeng nagreklamo kaninang umaga.

Legati o Legartae ata apelyido niya--hindi ko na matandaan.

"Teka lang, saan ka pupunta? Kailangan mo pang maglinis. Huwag naman sana tayong mag-inarte. Paalala lang, wala ka na sa dati mong paaralang uupo lang sa gilid tapos nagpapa-aircon, nagsi-cellphone pag may libring oras, o ano pa. Baguhan ka pa nga lang dito ganyan ka na umakto. Bawal 'yan rito sa'min!" malakas na sermon niya.

Narinig 'yon ng ibang estudyante't nagsimula silang magbulungan. "Hindi ako sanay sa mga ganiyang gawain," reklamo ko.

"Edi sanayin mo ang sarili mo. Akala ko pa naman hinog ka na mag-isip," tugon niya sabay tawa. "Bukod kay Earl, isa ka pang hindi karapat-dapat mag-aral rito. Mga pabigat lang kayo sa eskuwelahan."

"Hindi ko rin naman ginustong mag-aral dito."

"Kung gano'n, ba't hindi ka na lang umalis? Buga ka nang buga ng mga walang kabuluhang punto mo. Ayaw mo pala mag-aral dito tapos nagpa-enroll ka? Akala ko ba mayaman kayo? Ba't dito ka bumagsak?"

Naiinis ako sa bawat salitang nilalabas ng bibig niya. Pumasok ulit ako sa room at padabog na inilagay ang bag sa upuan ko. Nagulat ang ibang mga kaklase kong naglilinis sa loob.

Pwersahan akong nag-umpisa sa pagwawalis. Padabog kong itinatabi ang upuan at padabog ko rin itong ibinabalik.

"Mga anak, hinay-hinay lang sa mga upuan. 'Wag magdabog. Hindi natin pag-aari iyan. Halos lahat ng gamit dito, pinahiram lang sa'tin. Dapat alagaan natin 'yang mga 'yan dahil may susunod pang gagamit niyan," sumbat ni Ma'am. Naka-upo siya sa teacher's desk.

As We Created Our Own Sound (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon