Sa nakalipas na tatlong taon sakto na dalawang taon na ang kambal nag sabi ako kay Mama na mag hahanap ako ng trabaho pinayagan naman ako at sinabi nito na sya na ang bahala sa mga bata.
Ito ang unang araw ko sa trabaho madami kasing kakilala si Mark at agad na doon ako tinuro hindi naman kalayuan ang firm sa bahay
Naging busy ang unang araw ko sa trabaho kaya hindi ko na namanlayan pa ang oras nang lapitan ako ng katrabaho ko.
"Deeanne tara breaktime muna mamaya na yan" ani Ria
"Ah sige patapos na din naman ako sunod ako"sabi ko.
"Sige nasa cafeteria lang kami"sabi nito at tumango ako dito.Agad kong tinapos ang gawa ko at niligpit ito saka sumunod sa cafeteria.
Sa araw araw ay unti unti akong nasasanay hindi naman ako nawawalang ng oras sa mga anak ko sa katunayan ay nakaka bonding ko pa din sila kahit papaano.
"Mama"takbo ni Drake pag ka kita sa akin nadapa ito.
"Andito na si Mama wag ng umiyak anak"pag aalo ko
"Mama"masayang sigaw ni Deina agad kong hinalikan ito.
"Anak gagamutin lang ni Mama si Kuya ha"sabi ko at tumango ito.Buhat buhat ko si Drake si Deina naman ay nakakapit sa lalaylayan ng damit ko.
Agad kong nilinis ang maliit na gasgas sa tuhod nito.
"Mama sakit"iyak nito.
"Tiis lang anak matatapos na si Mama"sabi ko.Nang malinis ko na ito ay parang hindi ito umiyak dahil makulit nanaman si Drake.
"Deina anak makulit ba kayo kela Lola?" Tanong ko
"Hindi po Mama si Kuya Drake kulit Mama"sumbong nito
"Drake anong sabi ni Mama"sabi ko
"Sorry Mama"sabi nito."Anak wag makulit kela Lola ha di ba bilin lagi ni Mama yon"sabi ko Nakita ko na paiyak na ito "sshh hindi naman galit si Mama anak wag lang makulit pag wala si Mama dito makikinig kay Lola lagi"pag aalo ko
"Sorry Mama"hikbi nito
"wag ka ng umiyak hindi galit si Mama smile kana"sabi ko
After ng hapunan ay pumasok kaming mag iina sa kwarto para ihanda ang pam paligo nila at sabay sabay kaming lumabas ng kwarto at sabay na naligo.
"Mama may office ka po bukas?"tanong ni Deina
"Wala anak bakit?"tanong ko
"Mimiss ka lang namin Mama lagi ka wala Bahay e"sabi nito
"Babawi si Mama mga anak"sabi ko.
Alam ko masyado pa silang maliit para iwan kela Mama pero ginagawa ko ito para sa kanila para sa kinabukasan nila.
Matapos maligo ay agad ko sila tinapis ng towel para hindi sipunin at agad kami na pumasok sa kwarto nang maayos ko sila ay hindi na sila lumabas ng kwarto at doon na lang nanood ng cartoon.
Kinabukasan dahil wala akong pasok ay nag pasya ako na ipasyal ang kambal sinabi ko kay Mama na ipapasyal ko lang ang mga bata hindi nakasama si Danica o si Darren dahil busy ang mga ito sa pag rereview sa nalalapit na exam ng mga ito nasa 3rd year collage na si Danica sa kurso na civil engineering si Darren naman ay graduating ng HS. kaya hinayaan ko na lang ang dalawa na mag aral.
Dinala ko sila sa pinaka malapit na mall hawak hawak ko sila. Pinag papasalamat ko lang pag nalabas kami tulad ngayon hindi sila magulo o malikot naka hawak sila sa kamay ko.
Agad ko silang dinala sa play house at hinayaan sila na mag laro doon. Masaya ko silang tinitignan na nag lalaro sa slide hinayaan ko silang mag sawa at mapagod sa pag lalaro.
Nang mapagod ang mga ito ay agad ko na pinalitan sila ng damit dahil baka matuyuan sila ng pawis mahirap na mag ka sakit ang kambal.
"Mama inom po"si Drake

YOU ARE READING
My Runaway Husband (COMPLETED)
RomanceWhat if hindi ka nagustuhan ng pamilya ng boyfriend mo especially Mommy niya. Dahil ba hindi kilala ang pamilya niya dahil ba isa ka lang scholar sa pinapasukan mong kilalang university. Si Deeanne Lorrice Sandoval isang beauty and brain na naka pas...