1

2.8K 44 17
                                    

"Mari!!!" napapitlag ako ng may biglang sumigaw napatingin ako sa orasan nanginginig ako dahil alam ko kung sino yon.

dali dali akong umalis sa kama upang pagbuksan ng pinto si hunter. Pinihit ko ang doorknob nakita ko ang nanlilisik niyang mga mata nandilim ang muka niya at bigla nalang akong tinulak.

"BAKIIT ANG TAGAL MO KONG PAGBUKSAN HA!!" Hiyaw niya at hinaklit ang buhok ko,napaluha ako at napahawak sa kamay niyang nasa buhok ko.

"n-natutulog na kase ako" nahihirapang saad ko sa kaniya.

"baka naman nagtatago dito ang lalake mo ha!!" Hiyaw niya sa muka ko,kaya napapikit ako.

"w-wala akong.." hindi kona pinatapos ang sasabihin ko ng bigla niya kong sampalin dahilan para dumugo ang gilid ng labi ko.

"t-tama na hunter wala akong iba.." umiiyak na sabi ko sa kaniya.

"sa labas ka matulog,malandi kang babae ka!!bakit pa kase nabuntis ka!baka hindi sakin ang batang yan!!" SIgaw niya tinulak niya ko sa labas napahikbi ako at tumakbong lumapit sa kaniya,ngunit huli nako dahil naka pasok na siya,kinandado na niya ang pinto.

napahawak ako sa muka ko,at sa tiyan kong mag dadalawang linggo palang simula nung nalaman kong buntis nga ako.

kaya nagagalit siya sakin dahil iniwan siya ng babaeng mahal niya,nalaman din ng mommy at daddy niya na buntis ako.hindi ko alam kung pano nila nalaman na ako yung babaeng nakatalik ni hunter nung gabing yon.

lasing ako non,dahil na din sa problema ko sa pamilya ko.simula non hindi kona alam ang nangyari,nagising nalang ako ng katabi kona siya.

kinasal kami ngunit sa papel lang,at yon ang kinagagalit niya sakin nasasaktan na niya ko,naaawa nako sa anak ko dahil sa sinasapit ko baka maapektuhan siya.

"ohh ano nanamang nangyari diyan sa labi mo at putok,mari" napatingin ako sa kaibigan kong si JR sinamahan lang niya kong bumili ng pinaglilihian ko,dahil wala nanaman si hunter.

"huh,ano.." wala akong maisagot sa kaniya.

"alam kona,baka naman kagagawan nanaman ni hunter yan,sinasaktan kaba niya?" Seryosong saad niya,pero umiling lang ako.

"hindi ah,nakagat ko kase tapos yon." Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil mapanuri pa siyang tumingin sakin.

"pawala na din ito,wag kang magalala" nakangiting sabi ko.umiwas siya ng tingin at tumango sakin.

"maam,tara na po andon po sila madame sa bahay niyo ni boss." NApatingin ako sa bodyguard na kasama ko.

napatayo ako dahil andon pala ang mommy ni hunter.

"ho,nako sige sige po" nag mamadaling sabi ko,tumingin ako kay JR na naguguluhang nakatingin samin.

"kailangan ko ng umuwi may bisita pala sa bahay,salamat sa pag sama sakin ha.." paalam ko sa kaniya,tumango siya at niyakap ako..

"sige,pero ito tatandaan mo,makita o malaman ko lang kung anong hindi magandang ginawa sayo ni hunter.." napahinga ako ng malalim at tumango sa kaniya.

"sige salamat" paalam ko.

inalalayan ako ng isang bodyguard sumakay sa kotse.

tahimik lang ako at nagtataka kung bakit biglaan ang pagdalaw ng mommy ni hunter sa bahay.

pagdating ko don,ay napansin ko nga ang magarbong sasakyan nila.

"mari,finally!" napatingin ako sa tumawag sakin.nahiya ako dahil baka kung anong itsura ko,maganda at classy manamit ang mommy ni hunter.

"t-tita.." nahihiyang sabi ko,bumeso pa siya sakin kaya napayuko ako.

"diba sabi ko,mom ang itawag mo sakin." Saad niya kaya napatango ako.

impregnant by the cold mafia boss (mafia Series#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon