Kahit nanlalanta ako ay pinilit kong bumangon at bumaba upang mag tungo sana sa kusina upang mag hanap ng makakain dahil kagabi ay hindi muli ako kumain ng hapunan.
wala akong taong nadatnan don kundi ang tatlong katulong lang.
"good morning maam mari.." bati nila saken nakita ko ang tinginan nila siguro ay pansin nilang mugto at malalim pa ang mata ko gulo gulo din ang buhok ko wala pakong balak mag move on sa pag kawala ng anak ko.
"mag hahanda po ako ng makakain nyo.." sabe ng isang katulong ngunit napailing ako.
"a-ako na.." pigil ko sa kanya wala na syang nagawa kundi yumuko nalang sa akin.
"mari iha." Napatingin ako sa mommy ni hunter na andito hindi nako nagulat ng andito sya.
"p-po" pinilit kong hindi maiyak sa harap nya at maging casual dahil ayokong makita nya kong umiiyak baka masabihan pa kong maarte sa lagay ko.
"im sorry dahil hindi nasabi ni hunter ang nangyari pati ako ay may kasalanan don" pag sisimula nya napapikit muli ako at nag babadya ang luha ko. Napasinghot ako ng ilong ko at napatakip sa muka ko.
"H-hindi kopo kaya" niyakap nya ko at sa balikat nya ko humagulgol.
napatango sya at hinimas ang ulo ko.
"a-alam kong mahirap,pero please ayusin nyo naman ang sa inyo ni hunter..gusto kita para sa anak ko,mari nai kwento nya saken na nakikipag hiwalay kadaw.." pag papatuloy nya kumalas ako sa pag kakayakap sa kanya at pinunasan ang luha ko.
tumango ako sa kanya.pansin ko din nitong mga nag daang araw ay hindi ko sya pinapansin hindi ko na din sya nakikita dito.
"p-pipilitin ko po pero malakas po ang loob kong buhay ang baby ko" determinadong sagot ko alam kong buhay ang anak ko.
"hindi naman namin sinasabing kalimutan mo ang apo ko,pero sana ay maging maayos na kayo ng anak ko.please" hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako don.
"g-gusto ko din pong ayusin muna ang sarili ko,gusto ko munang maayos ako.gusto ko din po munang malayo kay hunter" kita ko ang pangamba sa muka nya.
"Yan ba talaga ang gusto mo??" Tanong nya walang pag aalinlangan akong tumango sa kanya napahinga sya ng malalim at malungkot na tumango sya.
"k-kung yan ang gusto mo.kausapin mo si hunter" saad nya
nag paalam na din sya kalaunan kaya ako nalang ang naiwan dito sa sala habang nakaupo iniisip ko kung iiwan ko si hunter.
Hindi ko na napansin ang oras ng matagal na pala kong nakatanga dito sa sala.
"mari.." napatingin ako sa gawing pinto napatayo ako ng makita ko si tyler
"tyler.." gulat kong sabi.lumapit sya sakin at dali dali akong niyakap.
nabigla ako at napahawak sa likod nya.
"mabuti at ayos kalang" saad nya hinarap nya ko at tumango ako dumistansya ako sa kanya dahil kita ko din sa mata nya ang pag kabigla sa ginawa nya.
"i-im sorry." Dagdag pa nya pero ako ay ngumiti lang sa kanya.
"a-ayos nako tyler" sabi ko sa kanya katahimikan ang namutawi sa amin,umupo kami dito sa sala at walang ibang nag salita.
"a-about your baby" hindi nako mabigla ng alam din nya yun dahil sa nangyari samin.
"Nabalitaan ko ang nangyari " napahinga sya ng malalim at kita kong tiningnan nya ko.
"oo.wala na sya" dugtong ko sa kanya kita ko ang lungkot sa mata nya.
"sorry " umiling iling ako at ngumiti sa kanya.
"ano kaba wala kang kasalanan aksidente yun walang may gusto sa nangyari" natatawang sabi ko sa kanya.ngumiti sya saken pero hindi ko makakaila na nag aalala din sya saken.
nag kwentuhan muna kame dito ng mapag pasyahan nyang umuwi na.
"siguro ay ito na ang last nating pag kikita mari" humarap sya saken ng malapit na sya sa pinto.
"h-huh??" Takang tanong ko sa kanya.
"hindi na ako ang mag babantay sayu.tinanggal nako ni boss" dagdag pa nya para naman akong napatanga sa sinabi nya at tumango.
"thank you.." tanging sambit ko sa kanya at malungkot ding tumingin sa kanya.
"welcome,condolence mari.." tumango ako at tiningnan nalang syang papalabas ng bahay.
pumasok nako sa loob at napaupo nalang sa sofa,napahawak ako sa muka ko at napahagod ng buhok ko.
"L-love.." napalingon ako sa gawing pinto ng makita ko na si hunter.
"h-hunter" tumayo ako ng makita kong lasing at namumula sya.
Niyakap nya ko ng mahigpit at dumukdok sa leeg ko.
"p-please don't leave me.." napahikbing sabi nya hinawakan ko ang likod nya habang umiiyak sya.
"w-wag mo naman akong iwan mari pleasee.." pag susumamong sabi nya kaya napaiyak ako.
"hunter.."
"wag mo naman gawin sakin to mari,mahal na mahal kita sana naman wag mo kong iwan,pangako poprotektahan na kita" humahagulgol na sabi nya.
"S-si mom sinabi nya saken pero ayoko mari ikaw lang ang mahal ko" pag papatuloy pa nya habang umiiyak sya sa balikat ko.
hinarap ko sya at hinawakan ang muka nya pinunasan ko ang luha sa mata nya kita ko din ang pamumula sa mata nya.
"p-pero.." hindi kona natapos ang sasabihin ko ng halikan na nya ko napapikit ako habang napahikbi.
"p-please" malungkot na sabi nya pinag dikit nya ang noo namin habang umiiyak muli sya.
"h-hunter.." pigil ko pa sa kanya ng bigla syang lumuhod sa harap ko.
"wag mokong iiwan" yumakap sya sa binti ko halos dumapa na sya napaiyak ako at pilit syang pinapatayo umupo ako upang mapantayan sya.
tumango ako at pinunasan ang luha nya.
"h-hindi kita iiwan" umiiyak na sabi ko sa kanya napahikbi sya at napatango sya.
Niyakap nya ko ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.
-
hanggang sa pag higa sa kama ay nakayakap sya saken"love mahal mo paba ko??" Tanong nya tumingin ako sa kanya ,mahal ko nga ba si hunter?? Ang alam ko lang nung una ay nabuntis nya ko sa hindi ko inaasahan kaya ko sya nakilala
"oo" nakangiting sabi ko sa kanya napahinga sya ng malalim at hinapit ako sa bewang ko.
"i love you" seryosong sabi nya sakin habang titig na titig sa mga mata ko.
"ayusin na naten kung anong meron tayu" dugtong pa nya
ngumiti ako at tumango.
"ayusin na naten,pero wag mo sana akong pilitin na kalimutan ko ang baby naten.." bulong ko sa kanya tumango sya at unti unting lumapit ang muka nya saken hinalikan nya ko kaya napatugon nalang ako dito.
-
Hunterhinalikan ko si mari ng buong pag mamahal ko.
mahal na mahal ko sya higit pa sa buhay ko.
pero di ko makakalimutan hanggat di ko pa nahuhuli kung sino ang pumatay sa anak namin.
gusto ko muna syang mag pahinga at kalimutan ang nangyari,alam kong sariwa pa sa kanya ang nangyari
Malalim na ang gabi ngunit di pa din ako makatulog,sinuklay ko ang buhok nya habang mahimbing na syang natutulog.
tinanggal kona si tyler na syang kinuha ko sa pag babantay sa kanya ,gusto kong ako mismo ang magbantay kay mari dahil alam kong mas secure sya pag ako ang kasama nya.
Hindi kona hahayaang may mangyari ulit na masama sa kanya hinding hindi na.