"boss handa na ang lahat" napatikhim ako at tumingin sa isang tauhan ko inubos ko ang alak sa baso at tumayo nako.
isang buwan na ang nakalipas ngunit di pa din nagigising si mari.
Pumunta ko sa ospital kung asan sya nakaroom ginawa ko itong secured at walang makakapasok except me. Si tyler ay medyo magaling na pinalagyan ko din sya ng bantay para masiguro ko din na walang mang yayaring masama sa kanya.
"how's my wife?" Andito din si mom nabalitaan din nya ang nangyari malungkot sya pero mas malunggot lalo na pag nalaman ni mari ang nangyari sa baby namin.
"ganon pa din si mari.." malungkot na sabi mom kaya napatango ako.
umupo ako sa gilid nya madaming aparatong naka kabit sa katawan nya sabi ng doctor ay magigising na din sya pero baket hanggang ngayun ay hindi pa.
"please mari gumising kana" bulong ko at hinalikan ang noo nya niyakap ko sya hindi nakaligtas saken ang luhang dumaloy sa mata ko.
"pleasee..." bulong ko sa kanya napatayo ako para akong patay na walang buhay dahil ganito si mari at kapag nagising sya hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya.
"ikaw munang bahala kay mari mom." Tanging sambit ko sa kanya alam ni mom kung san ako pupunta napakuyom muli ako ng kamay dahil wala akong kwenta para kay mari.
"m-mag iingat ka" saad ni mom kita ko sa mata nya ang pangamba pero pag tapos nito ay yari na magiging maayos na kame ni mari.
tumango lang ako at sinulyapan kopa si mari umalis nako don at hinarap ang mga tauhan ko.
hindi sila kumikibo bakas sa muka nila ang pagka seryoso ko.
pumasok ako sa kotse at napahawak sa sintido ko.
"Boss nakausap na namin si mr.yuki" napakuyom ako ng kamao ko at napatango sa kanila.
Hindi ako.sumagot nalaman ko din na may alam sya sa nangyari kay mari hindi ko palalampasin at mas lalong di ko sya bubuhayin kung malaman kong sya mismo ang may pakana kung baket naging ganon si mari.
Pag dating namin sa abandonadong building ay wala akong mababakas sa muka kong emosyon.
nag lakad kami kasama ng mga tauhan ko sa loob.
"mr.hunter,it's been a month ng huli nating pag kikita.." prenteng sabi nya habang nakaupo sa isang sofa nakita kong may babae din syang katabi at malagkit akong tiningnan kaya napataas ang kilay ko at hindi sya pinansin.
"yeah..it's been a fucking month. Mr.yuki" nakangising sabi ko at sinindi ang sigarilyong hawak ko.
"how's your wife nabalitaan kong asa ospital sya" sabi nya at sumimsim ng alak.
"yeahh.." sabi ko din at nilagyan ang baso ko ng wine.
"so.. nahuli mo naba kung sino ang may gawa non?" Takang tanong nya ngunit napailing ako tinungga ko muna ang alak na nasa baso ko bago ko sumagot.
"no,pero alam kona kung sino.." seryosong sabi ko.
nakita kong kinabahan sya kaya napangisi ako sige lang kabahan ka.
"hindi bat ikaw ang nag pautos non??" Seryosong sabi ko napatawa sya at nanigarilyo binuga nya ang usok non at tumingin sa taas.
"pinag bibintangahan mo bako??" Mariin na sabi nya nag kibit balikat ako tinaas ko ang kanang kamay ko ,namutla ang buong muka nya ng makita kung sino ang dala dala namin..
ang asawa nya.
"fuck you! Hunter,anong gagawin mo sa asawa ko!" Sigaw nya at biglang tumayo .
"simple lang gagantihan kita,ikaw ang may gawa non kay mari hindi ba??" Mariin na sabi ko pero sya ay napalunok lang.
"anong kasinungalingan ba ang sinasabi..." hindi kona pinatuloy ang sasabihin nya ng paputulan ko sya ng baril sa hita.
"aarrgghhh!! Fuck you hunter!!" Hiyaw nya ambang lalapit ang mga tauhan nya ay pinigil nya ito.
tumayo ako at pumunta sa gawi ng asawa nya.inalis ko ang packing tape sa bibig nya kaya napaiyak sya.
"bwisit ka hunter!!pakawalan moko!" Umiiyak na sabi ni mrs. Yuki pero ako ay nag mistulang parang bingi lang.
"yeahh,papakawalan ko kayo ng asawa mo.pero wala na kayong buhay.." nakamgising sabi ko.
"hindi ka patas! hunter duwag kapa din at madaling utuin!" Sigaw nya inilang hakbang ko sya at binigyan ng suntok.
biglang bumunot ng baril ang babaeng kasama nya,hindi nako nabigla don at kinuha ko ang kamay tinuhod ko ang sikmura nya at binaril ito sa noo.
ambang bubunot ng baril si mr.yuki ng ibaling ko sa kanya ang baril na hawak ko tinapat ko ito sa noo nya kaya namutla sya.
"One wrong move or else you'll die." Malamig na sabi ko kaya napahinto sya.
"patayin mo nako hunter tutal yun din naman ang gagawin mo hindi ba? Pinapatagal mopa."
"wag kang masyadong atat" napangising sabi ko pati mga tauhan nya ay walang magawa mga tanga!
"yun ang akala mo!" Sigaw nya nag paulan ng bala ang tauhan nya kaya napatakbo ako sa isang pader ..
pinag babaril ko ang tauhan nyang makikita ko kasama na din ang asawa nya
"hayop ka hunter!!!!" Hiyaw nya kaya napangisi ako.
"Duwag kapa din tama lang pala ko ng pati anak mo namatay!" Hiyaw nya kaya napakuyom ako ng kamay.
lumabas ako sa pader na pinag tataguaan ko nakita kong ubos na din ang mga tauhan nya
"damn you!!" Hiyaw ko at pinaulanan sya ng suntok sa muka wala syang magawa dahil may tama sya ng bala sa tagiliran nya.
"Fuck youu!!!" Hiyaw kopa ng makita kong puro dugo na ang dinudura nya.
"Patayin mona ko!" Sigaw nya at napangisi pa.
tinutukan ko sya ng baril at napatawa sya.
"pero isasama kita sa impyerno!!" Tumatawang sabi nya nakita kong may remote sya ng nakakonekta sa mga bomba na andito sa building..
"fuck!" Saad ko at tumakbo papunta sa pinto
"boss!!!" Sigaw ng tauhan ko at sabay sabay kaming lumabas.
ngunit napatingin ako sa isang tauhan ko ng makita kong may tama ito sa binti.
"lumabas na kayo!" Hiyaw ko at binalikan sya.
Pinasan ko sya sa balikat ko ng kinaaray nya.
ambang tatalon na kame ay syang sumabog ang bomba nagpagulong gulong kame sa damuhan napahinga ako ng malalim at pumikit ang mga mata ko.
"mari.." tanging bulong ko at nandilim ang paningin ko.