。。。。。。。。。。。
Maaga siyang pumasok dahil Intrams ngayun di man ako kasali sa laro o sa ibang larangan atleast Kahit taga cheer up nalang ako, Nag sisimula na ang laro di ko na tiningnan ang ibang laro di naman kasi ako interasadong manood. maliban nalang sa volleyball kasi nandun si Nhiara at siya pa ang captain ball ng garment, naka suot sya ng itom na T-shirt maiksing short at mahaba ang medyas habang naka rubber shoes naka putong ang kanyang buhok.
"O bakit nandito ka? Di ka dun sa mga kaklase mo siguro may nagugustuhan ka dito?!" Usisa ng Babae sa kanya
"Bakit bawal ba manood saka nag i enjoy ako manood at saka anu pake mo kung mayron nga akong nagugustuhan dito." Baritonong sabi nya
。。。。。 。。。。。。。。。。。。
Bigla ako natigilan ng may biglang sumigaw sa likuran ko at kahit nakatalikod ako alam ko kung kanino o sino ang nag mamay ari sa boses na yun, di ako magkakamali ang manliligaw yun ni Ms. Nhiara l walang iba kundi si mR. Jerome ng food processing.
"Woooh Jowa ko yan! Sige lang kaya mo yan. Ikaw pa ang galing mo kaya."" Ang lakas ng boses.
Sa subrang lakas halos lahat ng mga man lalaro nakarinig ang iba naman ay tumili samantala ang iba naman namangha. Natapos ang laro at sila ang tinanghal na panalo. Kinabukasan naghahanap ng representative ng bawat strand dahil mag kakaroon ng Miss and Mrs. Intrams at dahil sa konti lang ang lalaki at ang iba naman ay nahihiya ako nalang ang pinili nila.
Katatapos ko palang ko main sa Carenderia at napag pasyahan kung umakyat na at pumunta sa taas, nakita ko si nhiara kasama ang kanyang mga kaklase na nag uusap suminyas sya na lumapit ako sa kanya ngunit sakto naman dumating si mr. Jerome at pinag siklop niya ang palad nilang dalawa.
Di ko narinig ang usapan nila kasi umalis na ako agad ayaw ko na makita na nag uusap pa silang dalawa, kinakain ako ng selos kahit na kaibigan lang kami kasi nga higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya. Sa puso niya mahal niya ito
Kinagabihan binuksan niya ang cellphone ko at nakita ko na may mensahe sa messenger ko at galing yun sa kanya.
。。。。。。。。。。。。。。。
"Bhest bakit umalis ka kanina? Sabay na sana tayong umuwi wala tuloy akong kasama kasi yung kasabay ko nag tambay pa sa B-house ng kaklase namin."😭😞
Sorry naman... .. Kasama mo kasi yung manliligaw mo ayaw ko namang maka abala sa inyo.. ..
"Alam mo ba? Dapat may ibibigay ako sayo yung bulaklak na gawa sa straw nahirapan nga ako e pero madali nga daw ako matotoo sabi ni mam gusto mo ba sayo nalang yung blue at white red."
"Oo nman... .. Gusto ko hayaan mo bukas kukunin ko sayo iabot mo sa akin ilalagay ko sa plastic bottle ng cook para di masira at ma preserve HEHHEHE... .. galing kasi yun sayo..
Bhest may ibibigay din pala ako sayo yung Jersey ko na may surname ko gusto ko itago mo lang bakasakali magustuhan mo color blue pati favorite color mo yun diba?... .
Oo naman cge kita nalang tayo bukas good night na pagkatapos nito matulog kana huh?
Good night din kita nalang tayo tomorrow, ikaw din matulog kana rin.
。。。。。。。。。。。。。。。
Kina umagahan nag palitan kami at saka pumasok na sa room. Habang nag ti take note ako sabi ni Mam kailangan daw mag pakita ng talent ang sasali sa intrams. At gaganapin daw ito sa lunes ng hapon sa may stage.
"Hoy! Icon anu yung talent mo ? Marunong kaba kumanta? O sumayaw kaya?."Tanung sa kanya ng katabi nya.
"Spoken poetry lang ang alam ko pari parehong kaliwa ang aking paa at yung boses ko nman pinag kaitan ako." malungkot kong sabi sa kanya
"Cge pari ako bahala gagawan kita ng tula at ako narin ang mag iisip ng background music mo!" excited na sabi sa kanya.
Mamayang hapon daw mag pa practice kami ng intermision number at sa pag kaka alam ko kasali din si Jerome kinuha ko ang cp ko at chinat ko si Nhiara na manuod sa aming practice. Naka ilang ulit na kami mag practice di parin nakukuha ng sabay sabay, habang nanonood sa amin si Nhiara ay naglalaro sya nag badminton kasama ang kaklase ko. Ng biglang bumuba si jerome at hinawakan nya ang kamay nito.
"Icon hali ka dito tingnan mo yan si jerome mas gwapo kapa dyan." sabi ni Gerald sa akin na isa rin sa kasali
"Hahaha baka nga! Bigla yatang sumakit ang tiyan ko natatae ako." pag sisinungaling niya nag pa alam na rin ako sa iba at mabilis na umuwi kasimbilis ng speed of light. Umiiwas lang naman siya ang sakit kasi sa pakiramdam at may kirot sa puso mo na ang taong mahal mo ay mahal din ng iba at ako ito torpe di ko masabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Kaya tumulog nalang ito para pag gising niya panibagong araw na nnm.
O O O
#TORPE
#FRIENDZONE
#KAPAGOD