Tahanan at Paaralan(Jonalyn Dela Torre)

232 3 0
                                    

Mga bagay at kilos na pinagpaplanuhan

Pag alis mo ng tahanan,pagpasok mo sa paaralan

Mga tungkulin ay dapat mong gampanan

Pagaaral ay obligasyon at dapat pagtuunan

Mga utos ni inay,utos ni itay

Mga pagsubok na dumarating sa buhay

Kailangan nating matuto at masanay

Tayo'y kumilos at makibagay

Mga takdang aralin na kailangang tapusin

Mga gawaing bahay na dapat bigyang pansin

Sa paaralan ay may alituntunin

Sa tahanan ay may tungkulin

Balanseng paggawa ang solusyon

Mga gawain ay ilagay sa posisyon

Bigyan ng oras at idepende sa sitwasyon

Upang sa huli,hindi maghabol sa panahon

Pakatandaan,sa paaralan man o tahanan

Mga gawain ay dapat paglaanan

Utos nila dito,utos nila diyan

Huwag isnabin sa guro man o magulang

Own VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon