Grade Conscious kuno

6 1 0
                                    

Hindi ko alam o hindi ko talaga maintindihan. Kung bakit ang baba magbigay ng grade ng prof. Yung tipong sasabihin pa nilang ginawa naman nila ang lahat para tumaas yung grade pero kung titingnan, bagsak naman. Hindi talaga ako grade conscious kasi simula elementary hanggang highschool wala akong line of 7(masipag ako). Oo na, ang babaw ng dahilan ko yung tipong sasabihin ng iba buti nga pasado yung GWA mo eh pero kasi alam mo yun? ginawa mo naman lahat. Yung tipong kahit tamad yung mga kaibigan ko kumpleto requirements ko. Lahat ng tropa ko hindi nakapasa, ako lang yung pasado. Masaya ako oo. Nalungkot ako oo. Pero naiyak talaga ako nung nakita ko na grade slip ko(oo na wala ka pa nun hahahaha). Pasado naman lahat as in! yung mga subject na akala ko bagsak ako? pasado. Pero yung subject na pinagtuunan ko ng pansin, effort at panahon? Line of 7 yung grade ko. Nakakaiyak grabe! kanino ako iiyak? sino magko-comfort? pang-gabi na yung sched ng mga kaibigan ko, may expectation ang Pamilya ko.

Pinakita ko kay Mama yung gradeslip, pinaliwanag ko na ang baba talaga magbigay ng grade si Sir. Naniwala naman siya pero hindi siya masaya. Oo na! alam kong umasa siya. Sabi pa nga niya "Nagalit ka sa kapatid mong si Jessica na 79 sa **** pero ikaw nakakuha ng 77". Ang laking sampal nun sakin.

Bakit ganun? ikakayaman ba nila yung pagbibigay ng grade na mababa? magiging masaya ba sila kapag nakita nila tayong umiyak? Mabubuo ba araw nila kapag napagalitan tayo ng parents natin kasi nakakuha tayo ng mababang marka? hindi ko nilalahat pero halos. Hays.

"Yung binigay mo naman lahat pero kulang pa rin"

ps: Hindi ko pa nabibigay yung photo copy nung gradeslip ko kasi nakakatamad huhuhu. Hindi ko siya mailabas sa bag. Hindi ko maipagyabang sa mga friends ko na nakakuha ng sobraaaaang taas na marka sa ibang school. Na kahit isa lang naman yung line of 7, ayun pa rin yung unang mapapansin. Ganun naman db? Kahit madami ka ng ginawang tama yung mali pa rin yung mapapansin.

Own VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon