Panaginip(Mark Joseph Del Prado)

29 2 0
                                    

Ang panaginip ko'y ikaw

Ang pagmamahal sayo'y umaapaw

Ang kaligayahan ay mababaw

Sapagkat ikaw ang langit kong bughaw

Iniisip kita sa bawat sandali ng aking buhay

Ang bawat bagay,gagawin buong husay

Dahil ikaw ang kasama sa paglalakbay

Kaya ang panalangin,sana'y wag maghiwalay

Hindi maipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman

Dahil sayo'y natutong magmahal

Kaya naman ang makita lubos ang kasiyahan

Dahil sa wakas ikaw ay aking natagpuan

Ngunit anong nangyari sa iyong pagmamahal

Ang bawat oras din ay bumabagal

Dahil sa nalaman na hindi tayo magtatagal

Sa iyong paglaho tila masakit ang pagsampal

Biglang nagising sa katotohanan

Ako pala'y hindi mo minahal kahit noon pa man

At sinabi sa sarili na dapat na kitang kalimutan

Kagaya ng pagbabalewala sa aking nararamdaman

Own VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon