Nagmahal Ako ng Dalawa

31 1 0
                                    


Nagmahal ako ng dalawa,pero ang puso ko ay iisa.
Mahirap mamili kung sino sa kanila.
Kaya umiwas para makilala,
Kung ano nga ba talaga ang tunay na nadarama.

Ngunit ng bumalik tila nag-iba,
Dating samahan biglang nagiba.
Ang tiwala'y biglang nawala,
Pati pagmamahala'y biglang nasira.

Nagmahal ako ng dalawa,akala ko'y pag-iwas ang magagawa.
Ngunit naging dahilan ng pag-iwas nila.
Ako'y nagkulang,sila'y di nagtiwala.
Na sa pagbabalik ko,masasagot katanungan nila.

Nagmahal ako ng dalawa,walang nagsukli ako'y nagparaya.
Kaya sa pag-alis nila'y dala-dala,
Aking habilin sa mga mamahalin nila.
Huwag magmamahal ng dalawa
Ng hindi maguluhan at ng hindi maiwan.

Own VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon