Hakbang tungo sa magandang kinabukasan

208 2 0
                                    

Guro'y nagtuturo ng magandang asal

Ang mga bagay na dapat pag-aralan

Sinasabi kung paano magmamahal

Pinaliwanag mundong ginagalawan

Ano ang dapat gawin ng isang guro

Sa lahat ng estudyanteng palabiro?

Sa lahat ng estudyanteng mapaglaro?

Kung ang iba'y ayaw makihalubilo?

Estudyante nakikinig,nag-aaral

Mga bagay na dapat matutunan

Sa loob at labas ng paaralan

Turo ng guro'y pinapakinggan

Paano kung ayaw pakisamahan

Ng mga estudyanteng pinahirapan

Ang mga gurong hindi naglaan

Ng oras at sila ay pinabayaan?

Estudyante at guro sa paaralan

Relasyon ay hindi pinaglalaanan

Kaya nauuwi sa pag-aalitan

Minsa'y nauuwi sa pag-aasaran

Own VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon